top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Maghapon ding tulog… ANGELINE, 6 MONTHS NANG BUNTIS, NAGLILIHI PA RIN

Writer: BULGAR
BULGAR
Jan 27, 2022
1 min read

ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga | January 27, 2022




Mahigit 6 months na ang ipinagbubuntis ni Angeline Quinto pero ang feeling niya ay naglilihi pa rin siya dahil sa kanyang cravings sa mga pagkain at ang paiba-iba niyang mood swings.


Mabuti na lang at may mga kasama siya sa bahay na kanyang nauutusan kapag may gusto siyang pagkain.


Maghapon din halos na natutulog lang siya, kaya naman nadagdagan siya ng timbang.


Dahil first time mom, nagtatanong din si Angeline sa mga kaibigang mommies na kung natural ba na kahit 6 months preggy na ay naglilihi pa rin? Ganu'n kasi ang kanyang nararamdaman ngayon kahit na three months na lang ay manganganak na siya!


Well, may mga babae talagang kahit 6 to 7 months na ang kanilang ipinagbubuntis ay parang naglilihi pa rin. May kakilala nga kaming 8 months preggy na ay napaanak nang wala sa panahon dahil lang sa hindi naibigay ang hinihingi niyang pagkain. Hindi kasi naniwala ang kanyang mister na naglilihi pa siya dahil malapit na siyang manganak. Premature ang baby na kanyang isinilang kaya hindi nabuhay.




Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page