Magdyowa, wala naman daw itinatago… TIKIMAN NINA BEA AT DOMINIC, NAKUNAN NG PAPARAZZI
ni Nitz Miralles - @Bida | March 3, 2022

Mala-paparazzi ang datingan ng photographer na kumuha ng picture nina Bea Alonzo at Dominic Roque na nagki-kiss habang nasa taas ng isang structure. Hindi namin mawari kung bahay ba ‘yun, basta nasa taas ang magdyowa at nakunan na nagki-kiss.
Malayo ang kuha, kaya hindi malinaw ang mga mukha nina Bea at Dominic pero sila ‘yun.
Parang nasa kaharap na structure ang kumuha ng picture, kaya hindi alam kung patago o panakaw ang shot niya.
Hindi naman itinatago nina Bea at Dominic na nagki-kiss sila at ang dami nga nilang mga larawan na nagki-kiss, may pa-back hug sila at iba pang ka-sweet-an. Sabi tuloy ng BeaDom fans, sana, lumapit na lang ang photographer para malinaw ang kanyang kuha.
Speaking of Bea, finally, nakapag-guest na rin siya sa Eat… Bulaga! kahapon para i-promote ang coffee endorsement niya. Nagpasalamat ito sa warm welcome sa kanya ng cast at may pa-picture taking sina Allan K. at Paolo Ballesteros.
Nag-guest din uli si Bea sa All-Out Sundays last Sunday, pero ang hinihintay ng marami ay kung kailan nila sisimulan ni Alden Richards ang shooting ng movie nilang Special Memory. Natapos ang March na hindi sila nakapagsimula ng shooting at isusunod pa naman dito ang gagawin nilang TV series sa GMA-7.





Comments