ni Beth Gelena @Bulgary| June 30, 2024
Ipinakita ni Gabbi Garcia ang bonggang perks kapag anak ka ng flight purser.
Sa isang video, kasama ni Gabbi ang boyfriend na si Khalil Ramos habang ipine-flex ang nice perks at ine-enjoy ang pagiging anak ng flight purser.
Ang ina ng Kapuso actress na si Tes Lopez ay isa sa mga flight pursers ng Philippine Airlines.
Makikita sa video na tinutukso niya ang aktor habang siya ay pumapasok sa VIP lounge. Tinitingnan lang naman siya ni Khalil na namamalik-mata.
May eksena pa si Gabbi na enjoying many other perks at si Khalil ay ine-enjoy lang ang halaga ng ticket na binili niya.
Ani Gabbi, “‘Yung anak ka ng flight purser kaya libre ka sa flights.
“P.S. tysm (thank you so much) mom for your perks @lopeztes.”
Naawa naman ang mga netizens sa naging kalagayan ng boyfriend ni Gabbi dahil nag-hye-bye pa siya sa boyfriend bago pumasok sa VIP lounge.
Komento ng netizen, “‘Yung pagkakaupo ni Khalil, super maka-economy.”
“Grabe, literal na living in a material world.”
Natawa naman si Yassi Pressman, “Hahaha, ANG CUTE.”
Nagsend naman si Ryan Agoncillo dahil sa kanyang nakita, “Hey that's my thesis mate @pepperooo.”
“Naawa ako kay @khalilramos bwahahaha. See you later na lang daw sa immigration.”
Sey naman ng isang commenter, “Dapat nagdagdag na lang ng bayad si Khalil para business class na rin s’ya. I know may buddy pass na puwede sa friends ang PAL, so upgrade na lang s’ya.”
Tuloy may nagkomento, “Kung maghihiwalay ang dalawang ito, tiyak, ito ang magiging dahilan.”
Well, wala naman sigurong ganyan, matagal na ang celebrity couple at lagi silang nagbibiyaheng sila lang talagang dalawa.
Kaya sanay na rin si Khalil sa VIP treatment ng mga staff sa aktres.
Besides, hindi gagawin ni Gabbi na pagmukhaing kawawa ang boyfriend, eh, mahal na mahal niya ang aktor.
Comentários