top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Magbubukid na lang daw… NORA, GOODBYE SHOWBIZ NA

Writer: BULGAR
BULGAR
Jul 19, 2022
1 min read

ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga | July 19, 2022




Wala pang kumpirmasyon mula kay Nora Aunor pero may ilang grupo ng Noranians ang nagsasabing may plano na raw na magretiro sa showbiz ang Superstar at National Artist for Film.


Gusto na raw ni Guy na magpahinga sa paggawa ng pelikula at mamalagi na lang sa kanyang bayan sa Iriga, Camarines Sur.


May 64-hectare na bukirin si La Aunor at 'yun na lang daw ang kanyang aasikasuhin.


Ngayong medyo nagkakasakit na si Nora, mas makakabuti raw sa kanyang kalusugan ang sariwang simoy ng hangin sa probinsiya. Wala pang stress at problemang iisipin.


Noong nagdaang kaarawan ng Superstar last May, masayang-masaya siyang nagdiwang kasama ang kanyang mga anak na sina Ian, Matet, Kenneth at Kiko. Doon sila nag-bonding nang husto.


At dahil okey na rin sila ni Lotlot ngayon, kumpleto na ang kaligayahan ni Aunor.


Maging ang kanyang pinakamimithing National Artist for Film award ay ipinagkaloob na rin sa kanya bago tuluyang bumaba sa puwesto si dating Pangulong Rodrigo Duterte.


Wala na ngang puwede pang hilingin sa Diyos ang Superstar. Sa mahigit limang dekada niya sa showbiz ay nakagawa na siya ng maraming makabuluhang pelikula na naging ambag niya sa movie industry.


Kailangan naman na ang kanyang sarili ang gawing prayoridad ni Nora. Pero, pakiusap naman ng mga loyal Noranians, 'wag munang magretiro sa showbiz si Aunor. Kahit isa o dalawang pelikula lang sa isang taon, puwede niyang gawin.


Marami ang tiyak na malulungkot kapag hindi na siya napanood sa pelikula. May ginawa pang pelikula si Aunor na hindi pa nailalabas, ang Kontrabida.



Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page