Magbi-BFF kuno, pero… ZEINAB, TINAWAG NA SABAW SI JELAI, IVANA, MAYABANG
ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga | October 30, 2022

Alam ng lahat na magkakaibigan sina Jelai Andres, Zeinab Harake at Ivana Alawi. Super close sila at parang magkakapatid ang turing sa isa't isa. Panay ang post nila sa social media ng kanilang masasayang happening na nagkakasama.
Kaya labis na ipinagtataka ng mga netizens kung bakit naitsika ni Zeinab kay Wilbert Tolentino na sa kanilang magkakaibigan ay si Jelai Andres ang “pinaka-sabaw”. Meaning, mababaw lang ang IQ at kapos sa talento.
Naitanong kasi ni Wilbert kay Zeinab kung sinu-sinong vloggers ang puwede niyang maka-collab na papatok sa mga viewers.
Nabanggit ni Wilbert ang pangalan ni Jelai Andres na isa sa mga close friends ni Zeinab Harake.
Pero, nag-comment nga si Zeinab na “sabaw" daw si Jelai. Si Ivana Alawi naman daw ay yumabang na at tumaas ang ere nang magkaroon ng milyun-milyong YouTube subscribers.
Anyway, hindi makakapag-deny si Zeinab sa kanyang comment kay Jelai Andres dahil nagawang i-save ni Wilbert ang screen shot ng palitan nila ng mensahe. Papaano ipapaliwanag ito ni Zeinab kay Jelai?
At okey lang ba kay Jelai ang mga sinabi ni Zeinab na siya ang pinaka-sabaw sa kanilang magkakaibigan?
Depensa naman ng mga fans ni Zeinab, dapat na unawain ni Jelai si Zeinab dahil dumaranas ito ngayon ng post partum syndrome kaya kung anu-ano ang pinagsasasabi.





Comments