top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Maganda man daw o hindi… BEA, TODO-PASALAMAT SA MGA NANGYARI SA KANILA NI DOMINIC

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jul 13, 2024
  • 3 min read

ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | July 13, 2024


Showbiz News
Photo: Dominic Roque / IG

Tinuldukan na talaga nang tuluyan ni Bea Alonzo ang relasyon nila ni Dominic Roque at ipinauubaya na lang daw niya sa Diyos ang kanyang future.


Sa guesting ni Bea sa Fast Talk with Boy Abunda ay tinanong ng host na si Boy Abunda kung nasaan na ang aktres ngayon matapos ang breakup with Dominic.


“I was really enjoying my life. I guess I’m embracing the uncertainty. Kasi na-realize ko, minsan marami tayong plano sa buhay natin, pero God’s plans are always better and so I’m just here to embrace the uncertainty kung ano ‘yung nakalaan para sa ‘kin.”


Pero aminado naman siyang dahil sa nangyari sa kanyang past relationship ay naging mas matibay siya.


“Well, I’ve always known I am resilient but didn't know I’m this resilient. It made me stronger and natutunan kong i-cancel talaga ‘yung mga noise na hindi kailangan sa buhay ko and just accept and embrace those opinions that adds value to my life,” ani Bea.


At bilang pagsasara sa chapter ng nakaraan nila ni Dominic, nagpasalamat ang aktres sa lahat ng memories na pinagsaluhan nila ng ex-fiancé.


“Maraming salamat. Yeah, I’m. . . you know, I’m grateful. I’m grateful to all the beautiful memories and even the not so beautiful memories because it made me stronger, it made me who I am right now,” pahayag ni Bea.


At dahil nga napagdaanan na niya ang mga proseso, sa ngayon ay moving forward na raw ang aktres sa kanyang buhay.


“First, you have to accept the circumstances, the current situation that you are in and trust that there will be better days and I have better days now. I feel like there will be better days in the future,” aniya.


Ibinuking ni Barbie… SUE, KINAKAUSAP ANG GAGAMBA SA SHOOTING


Lito Lapid
Photo: Sue Ramirez / IG

Hindi nakarating si Sue Ramirez sa mediacon ng pelikulang How To Slay a Nepo Baby ng Viva Films at Happy Infinite Productions na ginanap last Thursday dahil may sakit daw ito. Pero kahit wala siya ay ang gaganda naman ng mga sinabi tungkol sa kanya ng kanyang mga co-stars sa pangunguna ni Barbie Imperial.


“Si Sue kasi, lagi po s’yang may pagkain,” natatawang sabi ni Barbie.


“May isa siyang garapon, puro pagkain, tapos puro imported,” dagdag pa niya.


Um-agree ang lahat ng cast. At say ni Phi Palmos, ang feeling daw yata ni Sue ay parating nasa locked-in kaya napakaraming dala-dalang food at ipinapakain naman daw nito sa kanila.


“Mahilig s’yang mag-share ng pagkain, ‘di siya madamot,” sey pa ulit ni Barbie.

Sabi naman ni Chaye Mogg, na-discover daw niya kay Sue na ayaw nito sa lizard.


Hirit naman ni JC Galano, “Lizard, ayaw n’ya, pero gagamba, okay s’ya. Kasi may kaibigan s’yang gagamba nu’ng nasa shooting kami.”


Natatawang dagdag ni Barbie, “May kinakausap s’yang gagamba.”


Sabi ulit ni JC, “Nasa shoulder n’ya mismo (ang gagamba), may pangalan pa.”


At nagtawanan ang lahat.


Anyway, ang How To Slay a Nepo Baby ay kuwento ng isang grupo ng mayamang magkakaibigan na bumiyahe papuntang Sagada para mag-celebrate ng kanilang work anniversary. 


Si Ada, ang “Queen Bee” at lider ng kanilang grupo; si J, isang influencer at boyfriend ni Ada; si Bella, isang model; ang kambal na sina Kel at Sho, na mula sa isang mayamang pamilya na may lahing Espanyol; at si Cass, ang pinakabagong miyembro ng kanilang grupo. 


Mga spoiled rich kids na mataas ang tingin sa sarili kahit na lahat ay umaasa naman sa yaman ng kanilang mga magulang. Mga “nepo baby” kung tawagin ng mga Gen Zs sa panahon ngayon.  


Mapupunta sila sa liblib na lugar ng Lunti, isang tagong komunidad na pinamumunuan ng isang misteryosang babae na si Inayon. At dito na mangyayari ang mga kababalaghan, gayundin ang mga panganib na kanilang mararanasan at bawat segundo na nandu’n sila ay parang isang bangungot na hindi kayang takasan.


Mula ito sa direksiyon ni Rod Marmol.



Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page