Magaling daw sumagot… JK, PINILING MAGING NINOY, JOAQUIN OUT!
- BULGAR
- Jan 24, 2023
- 2 min read
ni Nitz Miralles @Bida | January 24, 2023

Title at cast reveal ang nangyari sa mediacon ng Ako Si Ninoy, ang musical movie tungkol sa buhay ni Benigno “Ninoy” Aquino.
Produced ng PhilStagers Films, this is written and directed by Vince Tañada. This is the film adaptation of the stage musical commissioned by the Ninoy and Cory Aquino Foundation pero ngayon lang nagawang pelikula.
Sa kanyang speech, pinasalamatan ni Direk Vince ang mga nanood at sumuporta sa Katips dahil ang kinita ng nasabing pelikula ang ginamit to produce Ako Si Ninoy.
“Hard-earned money ang ginamit ko rito at nagkaroon ako ng capital for Ako Si Ninoy dahil kumita ang Katips at hindi nag-flop. Nilangaw daw pero may new movie kami. This film is not Marcos versus Aquino, kundi pagpapakita ng ginawang kabayanihan ni Ninoy Aquino. Ang movie na ito ay tungkol sa kabayanihan ng mga simpleng Pilipino,” sabi ni Direk Vince.
Ginulat ni Direk Vince ang lahat dahil inakalang si Joaquin Domagoso ang gaganap na Ninoy tulad ng unang nasabi ng anak ni Isko Moreno, pero ang ending, si JK Labajo pala.
Ang paliwanag nito, “JK is perfect for the role. Pareho sila ng twang ni Ninoy. Sa mga na-interview ko, siya ang pinakamahusay sumagot. I made the right decision at tama ang desisyon ko na isang Ninoy na lang ang gumanap. Si JK pa rin kahit tumanda na si Ninoy. Ang conviction at idealism niya, parang si Ninoy. Napakasuwerte ko for getting him.”
Co-produced ng Reality Films ang Ako Si Ninoy at sila na rin ang bahala sa playdate.
Hindi binanggit ni Direk Vince ang exact playdate ng movie at sabi lang, “Para ito sa EDSA Revolution.”
Ibig sabihin, sa February 25 ang playdate nito at kasabay sana ng Martyr or Murderer ng Viva Films.
Kaya lang, sa March 1 na raw ang playdate ng movie ni Direk Darryl Yap. Ilipat din kaya ni Direk Vince sa March 1 ang playdate ng Ako Si Ninoy?
Maganda sana kung magkakasabay muli ang movies ng dalawang directors.





Comments