Magaling daw magpayo, bantay-salakay naman… PIKTYUR NI SEN. RAFFY NA MAY KATABING BYUTING GIRL AT BATA, VIRAL!
- BULGAR

- 6 hours ago
- 4 min read
ni Janiz Navida @Showbiz Special | June 7, 2026

Photo: Sen. Raffy Tulfo - FB
Sa gitna ng kaguluhan sa Senado, bigla namang nag-viral sa Facebook at agad-agad pinagpiyestahan ng mga netizens ang piktyur ni Senator Raffy Tulfo na may katabing magandang babae sa bed at isang bata na tinakpan ang mukha.
Isang vlogger na may pangalang Vicente Andamon ang nag-post ng naturang controversial photo sa FB, na as of this writing, ay meron nang 9.7K likes, 1.5 comments at 1.3K shares.
Naka-close-up shot ang naturang viral photo at malinaw ang mga mukha ng nasa larawan, maliban nga sa bata na tinakpan ng emoji ang face.
Puwedeng isipin ng iba na baka AI (artificial intelligence) generated lang ito since usung-uso naman ‘yan ngayon, pero hindi naman ganu’n ka-sharp, ka-clear at ka-perfect ang larawan para masabing dumaan ito sa pamemeke o editing.
Inulan ng mga komento ang naturang piktyur ni Sen. Raffy na ang karamihan ay pangangantiyaw sa pagiging chickboy daw nito.
Ilan sa mga komentong nabasa namin sa naturang FB post (as is)…
“Grabi talaga c idol left and right talaga.”
“Grabe ka tlaga idol.. mapagmahal ka nga talaga.. pang-ilan na yan?”
“Hahaaaa huli ka Balbon…”
“Ikaw ba namn endorser ng Robust. Unli talaga yan.”
“Galing magpayo bantay salakay hahaha…”
“Lalaki yan at naiintindihan ng kapwa tunay n lalaki ang ganyang pangangailangan.”
Hindi imposibleng may mga maniwala dahil kilala naman ang Tulfo brothers sa pagiging matinik sa chicks, pero posible rin namang may gusto lang ding manira kay Sen. Raffy Tulfo kaya itinaon pa sa mainit na kaguluhan ngayon sa Senado ang paglalabas ng controversial photo niya.
Well, abangan na lang natin kung bibigyang-pansin pa ba ni Sen. Raffy ang isyung ‘yan gayung ang daming dapat harapin ngayon ng kanilang hanay.
NAGING masaya at makabuluhan ang ginanap na summer outing at bonding ng grupong Society of Philippine Entertainment Editors (SPEED) sa La Casa Maranan sa Tagaytay recently.
Sa kagandahang-loob ng owner ng La Casa Maranan (na mayroon pang isang events place sa Lemery, Batangas) na si Engr. Johnny Maranan, nagkaroon ng pagkakataon ang mga miyembro ng SPEED na makapag-relax at mapagtuunan ng oras ang pagpapatibay sa samahan ng grupo.
Bagama’t pansamantalang nagkaroon ng break ang grupo, sinulit pa rin ang pagkakataon na mapag-usapan na rin ang paghahanda sa nalalapit na 9th EDDYS na gaganapin naman sa July 5, 2026 sa Grand Ballroom ng Marriott Hotel.
Bago bumalik sa Maynila, hindi na rin pinalagpas ng SPEED members ang pagdalaw sa bahay ng mga magulang ni Jolina Magdangal na sina Daddy Jun at Mommy Baby Magdangal sa Tagaytay nu’ng May 23.
Muling binalikan sa masayang kuwentuhan ang kabataan ni Jolina, kung paano siya napasok sa showbiz at ang mga nakakatuwang kuwento tungkol sa kanyang pagiging fashionista na inidolo ng maraming kabataan nu’ng kanyang henerasyon.
Malaking tulong ang naging ambag ng mga kaibigang nagpadala ng kanilang suporta para sa SPEED Summer Outing tulad ng CEO ng Beautederm na si Ms. Rei Anicoche Tan na laging bukas ang palad sa pagbibigay, gayundin ang mag-inang Tates Gana at Harvey Bautista, Atty. Rey Bergado ng InnerVoices, Ms. Cora De Guzman, Eduard Bañez, Nikka Baun ng JNE Events at Ms. Cecille Bravo ng Intele Builders.
Maraming salamat din sa pa-kape ng kasamahan naming miyembro sa SPEED na si Nathalie Tomada na nagdiwang ng kanyang kaarawan nu’ng Mayo 21, at sa mga ipinadalang masasarap na tinapay ni Mommy Tine Ariola ng Bait Lehem.
Pagkatapos ng makabuluhang araw, mas magiging abala na ang pamunuan ng SPEED sa paghahanda para sa mga susunod na aktibidad na gagawin ng grupo.
Bukas-puso pa namang magbigay… SIKAT NA AKTRES, BINAYARAN NG P50 M SA ENDORSEMENT, NASAYANG DAHIL SA SCANDAL
BLIND ITEM:
SISING-SISI ang isang kumpanya na nagbayad ng P50 M sa sikat na aktres bilang talent fee sa kanyang endorsement ng isang malaking mall dahil akala nila, malakas ang hatak ng aktres since kilala ito hanggang sa ibang bansa, ‘di lang dito sa ‘Pinas.
Ang siste, may pumutok na scandal na kinasangkutan ng isang taong malapit sa aktres, at siyempre ay damay ito.
Kaya naman, sumakit talaga ang ulo ng kumpanyang kumuha sa kanya dahil no choice sila, negang-nega at ang daming bad publicity sa aktres.
Ang daming namba-bash sa kanya sa socmed dahil sa scandal na hindi naman siya ang direktang sangkot kundi ‘yung asawa niyang politician, kaso nga ay damay din siya.
Effective endorser pa naman sana ang sikat na aktres, kaso nga, dahil sa bad publicity, nadamay ‘yung brand kaya ipina-stop na lang ‘yung mga commercials niya na nailabas na sana.
‘Yung isang endorsement naman niya, kababayad lang din sa kanya, tapos, ayun nga, pumutok ‘yung scandal na sangkot sila ng mister niya kaya hindi na natuloy ‘yung dapat ay photoshoot nila.
Hinayang na hinayang din ang kumpanyang kumuha sa aktres dahil bayad na siya at hindi naman siya ang umatras kundi sila. Kaso, ‘pag itinuloy nila ang commercial, pati sila ay maba-bash.
Pero kahit bayad na ang aktres, siyempre, masakit din sa kanya ‘yun dahil para ipa-stop ang endorsement niya, pangit sa record niya ‘yun.





Comments