top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Magaling daw lumangoy… HEAVEN, TUMALON SA FALLS SA LA UNION, NALUNOD

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Oct 28, 2022
  • 2 min read

ni Beth Gelena - @Bulgary Files | October 28, 2022



Itinanggi ni Heaven Peralejo ang pagkakaugnay ng name niya kay Jameson Blake. Iginiit ni Heaven na magkaibigan lang sila ng aktor na kasama niya sa seryeng A Family Affair.


"Siguro kasi sa show, siya ang ka-close ko po. At saka, magaling po siyang ka-partner so natutuwa po ako na nagkakatulungan kami sa scenes," ani ng young actress sa Magandang Buhay.


Natanong si Heaven, kung manliligaw si Blake, may pag-asa raw ba ang aktor?


"Kung ngayon po siya manliligaw, alam po namin kasi sa isa't isa na parang hindi talaga po.


Sometimes, gusto mo lang 'yung tao na 'yun i-keep mo in your life and mas better off as friends.


Parang hindi pa rin po ako ready na mag-date ngayon," sagot ni Heaven.


Sa panayam din ng MB ay nasabi rin ni James na magkaibigan lang sila ni Heaven.


Samantala, ipinaliwanag din ng aktres ang tungkol sa naging viral niyang tattoo sa kanyang braso.


Aniya, simbolo 'yun ng bagong buhay matapos siyang muntikang mamatay nang malunod sa isang talon sa La Union.


Kuwento ng dalaga, "May dalawang falls, sa gitna kami dumaan. Pagbagsak po namin, as in nalunod po ako. Sobrang delikado po. Tatlo lang kami, 'yung tour guide, 'yung best friend ko at ako. So, sabi ko, ako muna ang tatalon kasi marunong akong mag-swimming. Pagtalon ko, as in wala na po akong hangin talaga at kamay ko na lang 'yung nakataas. 'Ano'ng nangyari?' ganoon pa 'yung sabi ng best friend ko. So, 'yung tour guide, hinatak po ang kamay ko. Buti, nahatak po ako. So, itong tattoo is like second life."


Aside sa A Family Affair, kasama rin si Heaven sa pelikulang Nanahimik Ang Gabi kung saan kasama niya sina Ian Veneracion at Mon Confiado.


Ayon kay Heaven, "buwis-buhay" siya sa movie na ito.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page