top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Mag-uunahan ang 7 bagito sa PCSO Race

BULGAR
Oct 24, 2021
1 min read

ni Green Lantern- @Renda at Latigo | October 24, 2021



Magpapabilisan ang 7 bagitong kabayo paglahok nila sa 2021 PCSO 2-Year-Old Maiden Stakes Race na pakakawalan ngayong Linggo sa Santa Ana Park sa Naic, Cavite.


Markado ang Bashierrou na rerendahan ni Class A rider Kelvin Abobo subalit naniniwala ang ibang karerista na malaki ang tsansang manalo ng ibang kalahok lalo na't mga batang kabayo ang maglalaban.

Makakatagisan ng bilis ni Bashierrou sa 1,300 meter race sina Sophisticated, Hot Hot Hearts, The Finisher, Enigma Uno at magkakamping Limunsudan Falls at Tinago Falls.


"Sina The Finisher at magka-kuwadrang Limunsudan Falls at Tinago Falls, malaki ang pag-asa nilang manalo, baka may mga tagong pruweba mga 'yan," saad ni Jayson Cortez na lahi ng mga karerista.


May premyong P1M ang stakes race na inisponsoran ng Philippine Racing Commission, (PHILRACOM) at hahamigin ng mananalong kabayo ang P600,000.


Ibubulsa ng 2nd at 3rd placers ang P200,000 at P100,000 habang mapupunta ang P50,000, P30,000 at P20,000 sa 4th, 5th at 6th. Inaasahan din ang labanan ng 12 kabayo sa PHILRACOM Rating Based Handicapping System na ilalarga sa 9th at last race.


Komento ng mga karerista, medyo may kahirapan sa pagpili ng tatayaan ang karera na may added prize na P25,000 na ikakalat sa unang apat na kabayong tatawid sa meta. Posibleng bumenta sa takilya ang kalahok na Shinshiro, Red Hawk at Con Todo Mujer sa karerang may dagdag na P5,000 para sa winning horse owner.


Ang ibang kasali ay sina Aida's Favorite, Shalom, Big Hook, Pilya, Striker's Symbol, Thy Will, The Queen, Arrows Up at Electric Dreams. Siyam na races ang inihain ng Philippine Racing Club Inc. (PRCI) ngayong araw.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page