top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Mag-utol, parehong dumaan sa kanya… DIREK BRILLANTE: PAOLO, MAS MAGALING KAY MARCO!

Writer: BULGAR
BULGAR
Feb 25, 2022
2 min read

ni Julie Bonifacio - @Winner | February 25, 2022




Napatingala ang award-winning director na si Brillante Mendoza nu’ng una niyang malaman na sina Julia Barretto, Marco Gumabao at Xian Lim ang mga artista niya sa kanyang latest Vivamax project titled Bahay na Pula.


First time kasi ni Direk Brillante na makatrabaho ang “mainstream stars” gaya nina Julia, Marco and Xian, kaya may panghihinayang din siya na hindi sa big screen ipapalabas ang Bahay na Pula kundi sa streaming platform na Vivamax.


“Oo nga, eh. Actually, gusto rin nila (Viva Films), siyempre. Ako, personally, kinabahan ako dahil mga mainstream actors ‘yan. Eh, hindi ko naman nakaka-work ang mga sikat na ‘yan.


“Siyempre, may mga alam mo ‘yung sa… ‘di ba, usually ang ano natin, naririnig natin, mga diva, ‘yung mga ganu'n. Eh, hindi ako sanay sa mga ganu'ng artista. Pero sila, wala (attitude).


“Nanibago lang ako dahil hindi ako sanay sa ganu'ng setup. Baka mamaya, alam mo ‘yun, mag-inarte? Baka may gumawa ng ganu'n. Pero sa kanila, wala.


“Unang-una pa lang, sinabi na namin na ganito ang setup namin, minimal na ano lang kami na tao, kokonti. But, as a team, multi-tasking. So, ‘yun,” esplika ni Direk Brillante.


Dahil nakabuo na sila ng friendship ng mga artista niya sa Bahay na Pula, nabibiro at naaasar na niya especially si Marco.


Sa ginanap na presscon ng Bahay na Pula ay natanong si Direk Brillante kung sino ang mas magaling umarte sa magkapatid na Marco at Paolo Gumabao.


Katatapos lang kasi na makatrabaho ni Direk Brillante si Paolo sa pelikulang Sisid with Vince Rillon.


Mabilis niyang tugon, “Siyempre, mas magaling si Paolo kay Marco. Ha! Ha! Ha!


“Hindi! Siyempre, kaya ko nabibiro nang ganyan si Marco, kasi I’m very comfortable sa kanya.


“Kaya ko siyang biruin ng ganyan, na alam ko, hindi siya masasaktan… although alam ko, iiyak siya mamayang gabi!” pabiro pang pahayag ni Direk Brillante.


Ayaw daw kasi niya sa set niya na ipinapamukha na siya ang direktor at artista lang niya ang mga aktor sa pelikula niya.


“Hindi ganu'n. I always want to collaborate with my actors. Kasi, kaya nga sila artista, eh. Kasi, they have something to offer.


“At saka may talent sila bilang artista, which as a creator, as a director, I don’t have. So, kailangan kong i-utilize 'yung kanilang talent.


“Kailangan kong i-maximize ang talent nila. And fortunately, they’re willing naman to share, they’re willing to collaborate.


“So, kailangan lang ma-tap mo 'yun, ‘no, and ayun, tinap ko. And I think, as an actor, depende 'yun kung ano'ng ibibigay mo.


“I did not ask for more. Hindi ako hihingi ng more than what you can give. It’s always up to the actors to give what they have.


“So, as a director, ako, ano ko lang 'yun, eh. Kumbaga, gagamitin ko lang naman 'yun, 'di ba, to utilize and to maximize sa film as a whole.


“Sila, bilang actors, 'yun ang kanilang ibinigay. And I appreciate that.”


Looking forward naman kami na mapagsama ni Direk Brillante sa isang pelikula sina Marco at Paolo. At ngayon pa lang, naisip na niya na bagay ang temang mala-Cain at Abel sa magkapatid.


Na-excite naman si Direk sa suggestion namin na magdirek naman siya ng isang musical film na pagbibidahan ni Sarah Geronimo.


Bongga, ‘di ba?


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page