top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Mag-research muna ang netizens bago makisawsaw sa isyu ng WPS!

  • BULGAR
  • May 17, 2021
  • 2 min read

ni Ka Ambo - @Bistado | May 17, 2021



Nakalapag na ang rover ng China sa Mars.


Magtatagpo sila ng US rover sa naturang buntala!


◘◘◘


KINUKUBKOB ng Israel ang Gaza City.


Hindi sana ito mangyari sa Beijing at Maynila!


◘◘◘


IPINAKIKITA ng mga Palestino ang kanilang tapang kontra sa bruskong Israel.

Puwede bang gawin ‘yan ng mga Pinoy laban sa Tsekwa?


Esep-esep tayo!


◘◘◘


MATANDA na si dating Senate President Juan Ponce Enrile pero ang kanyang opinyon sa West Philippine Sea ay pinakamalinaw.


Sumusuporta ito sa posisyon ni P-Digong!


◘◘◘


IBINUNYAG naman ng beteranong journalist na umaastang corporate lawyer lamang si ex-Justice Antonio Carpio.


Gusto ng mga kliyente ni Carpio na makapag-explore ng oil sa Reed Bank o Recto Bank pero diniskaril ito ng China!


◘◘◘


GUSTO ng grupo ng mga Oligarko na makapag-oil exploration sa Reed Bank pero sagwil ang China.


Hindi kinakanti ni Carpio ang isyu sa Panatag Shoal na inagaw ng China sa panahon ng kanyang mga kasangga na sina ex-P-Noy at Albert del Rosario.


Wala kasing langis na mabubungkal dito!


◘◘◘


MARAMING pumoposturang makabayan at patriotiko pero may lihim na agendang mangamkam ng negosyo at likas na yaman.


Hindi dapat basta maniwala sa mga lumalabas sa media, dapat nagsasaliksik din ang netizen bago makisawsaw sa maselang isyu sa Spratly Island!


◘◘◘


SA kabila ng black propaganda kontra kay dating Pangulong Marcos, lumalabas na ang kanyang administrasyon ang may pinakamalaking nagawa sa soberaniya ng Pilipinas.


Si Marcos ay lumagda sa batas na aktuwal na umaangkin sa Spratly Island at umaaksiyon nang totoo upang maokupahan ito!


◘◘◘


ANG mga sumunod na administrasyon kay Marcos ay ‘wento-‘wento lang—tulad nina Tita Cory, FVR, Erap, GMA at ex-P-Noy.


Wala silang kongkretong kontribusyon sa pag-angkin ng Pilipinas sa WPS!


◘◘◘

MALINAW na higit na makabayan si Marcos kumpara sa mga naupo sa Malakanyang.


Ang aksiyon, desisyon at postura ni Marcos sa WPS ay hindi kailanman mapapantayan ng sinumang pangulo sa susunod na mga henerasyon!


◘◘◘


ISANG legacy ni Marcos ang WPS na hindi kayang bakbakin ng sinumang kritiko.


Kahit ang pagtatangka ni Marcos na bawiin ang Sabah ay nagpapatunay na siya ay aktuwal na bayani!


◘◘◘


ANG totoong taksil sa bayan ay ang expose ni dating Sen. Ninoy na dumiskaril sa plano ni Marcos na maokupahan din ang North Borneo.


Tulad din sa Spratly Island, ang mga pagtatangka ni Marcos na buhayin ang soberaniya ng Pilipinas ay binalewala rin ng mga sumunod na pangulo ng bansa!


◘◘◘


HANGGANG ngayon, bakit hindi nagsusumite ang grupo ni Carpio ng reklamo sa United Nations upang bawiin ang Sabah.


Ito ay dahil ang Malaysia ay may dummy na Oligarko sa ating bansa!


◘◘◘


ANG Malaysia ay direktang nakapasok sa dambuhalang ekonomiya ng bansa at kumokontrol ngayon ng malalaking korporasyon.


Hindi nagkakalayo ang isyu sa Sabah at Spratlys — ang lahat ng ito ay may kaakibat na pagkontrol sa ekonomiya ng Pilipinas!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page