Mag-model na lang daw… LIZA, SUPER TAGAL NA SA HOLLYWOOD, FLOP PA RIN
- BULGAR

- Aug 12, 2024
- 3 min read
ni Beth Gelena @Bulgary| August 12, 2024

Si Liza Soberano ang August cover ng magazine na L’Officiel. Sa front page ng magazine ay may caption na: “Step Forward: Liza Soberano”.
Sey tuloy ng mga netizens…
“Sa lagay pala na ‘yun na ang tagal na niyang wala sa Philippine (PH) showbiz dahil gusto niyang ituloy ang career sa Hollywood (HW) para maging HW star, ‘di pa ba s’ya naka-step forward? Hahahaha!”
“Nag-flood kasi Hollywood n’ya, kaya wala nang career.”
“Mas flop ‘yung nasa PH projects n’ya.”
“So you mean both HW and PH, flop.”
“Truth, may pag-bikini pa nga, eh. Wala rin.”
Pinansin naman ng mga netizens ang magazine cover ni Liza.
“Is that the best cover? She looked bored though. Weird vibe, that’s giving.”
“Exactly! Same pose, same concept. As weird and boring as she is.”
“‘Yung gigil talaga n’ya sa ‘Pinas, ‘di mawala. Galit na galit talaga s’ya sa ‘Pinas. Bakit kaya?”
Pagtatanggol naman ng isang commenter, “Where’s the gigil? Words ng writer ‘yan.
Magbasa ka, ha? She doesn’t need validation at tanggap na n’ya na there will be people who will not like her or what she does. Basa-basa rin kasi and not react agad sa caption.”
Pahayag naman ng isang netizen, “Watch, she will be back. When Hollywood isn’t as grand, she’ll be back to where her roots were as an artist. That saying, don’t bite the hands that feed you. She’s the best in modeling but as an actress, it’s not in her. Rather work on what is going for you.”
Agree naman ang ibang mga netizens. Sey pa ng iba, “I agree, she can do Vogue, just my opinion. As far as acting, she gave it a try but it may not be her forte. But modeling magazines she has the look needed.”
“Her problem is how to go back and find a new place in PH showbiz or entertainment. She is the breadwinner of her family, magazine modeling can sustain her lifestyle and needs of her two families in PH. She lost the superstar status that she used to enjoy before going to HW and many Filipino see her as ungrateful, bitter unFilipino.”
“She comes back now and then to MLA for a few local endo that could be her bread and butter. It means PH continues to give her work while HW appears to ignore her even after her flopped Lisa Frankenstein (LF) support role.”
“Bakit parang laging napaka-ungrateful ng mga choice of words ni Liza, nakaka-sad. I used to like her pero not anymore. She would always say na grateful s’ya sa mga naging part ng journey n’ya, pero all her choice of words in interviews and statements are opposite naman, parang laging nagmamalaki. She doesn’t need validation daw at gusto n’ya maka-inspire ng iba. Wala pa s’ya sa posisyon na ‘yun dahil hindi pa naman successful ang HW career n’ya, supporting career pa lang for now. Wala pang masyadong ganap as if this moment, saka na lang siguro sabihin ‘yun kapag nakapag-launch na siya ng multiple movies na siya ang bida or at least more endorsements na international brands man lang. Talo na tuloy s’ya ni Kathryn (Bernardo) ngayon.”
“Just FYI, hindi nakikipag-compete si Liza kay Kathryn. Hayaan mo ‘yung isa kung happy s’ya magsalita sa “flowery” words and superficial papuri ng tards niya.”
‘Yun na!
Ibinahagi ni Joross Gamboa sa kanyang Instagram (IG) ang pamamasyal nila nina Alden Richards at Kathryn Bernardo (KathDen) nang mag-break sila sa shooting ng Hello, Love, Again (HLA) sa Canada.
Habang naglalakad sila, biglang turned back ni Joross at sabay sabing, “Joy is...in Canada!”
“Hindi, nasa Santa Mesa lang tayo,” ani naman ni Alden.
“Hindi, nasa BGC,” pakli naman ni Kath.
Komento ng isang netizen, “You three are all good looking.”
Hanggang ngayon, marami pa rin ang curious sa dalawang lead stars ng HLA, kaya si Joross ang kanilang tinanong.
Anila sa aktor, “Ikaw na lang pag-asa namin, Joross. Ano ba talaga ang KathDen?”
“Sir Joross, ikaw na lang ang pag-asa ng sambayanan.”
Naku, Joross, sagutin mo ang tanong ng bayan. Ikaw kasi ang nakakaalam sa real score nina Kathryn Bernardo at Alden Richards.








Comments