Mag-ingat sa mga handaan, ‘wag lamon nang lamon!
ni Ka Ambo - @Bistado | December 27, 2021
KINUKUMBIDA ka ba sa mga libreng handaan?
Mag-ingat tayo sa pagpili ng putahe, amuyan at tikman muna bago lantakan!
◘◘◘
MAY ulat na mahigit 100 katao na-food poison sa isang pagtitipon sa Quezon Province.
Nanangkupoo!
◘◘◘
MAY nakarating sa ating impormasyon na naganap ang food poisoning sa isang pagtitipon na ginawa sa Quezon Convention Center.
Ang mga biktimang pawang miyembro umano ng Provincial Union of Leaders against Illegalities at ng Luntiang Katipunero!
◘◘◘
NAGANAP ang insidente habang isinasagawa ang pay out ng honorarium para sa may apat na libong miyembro ng PULI at LK.
Pagkatapos mag-almusal ng pritong itlog, hotdog at kanin, bigla nalang umanong nakaramdam ng pagkahilo hanggang sa nagsuka ang mga biktima!
◘◘◘
ISINUGOD ang mga biktima sa Quezon Medical Center para malapatan ng pangunang-lunas.
Sa Facebook account, humingi naman ng paumanhin at pang-unawa Quezon Governor Danilo Suarez at iginiit na isolated cases lamang ito.
Inaakusahan ang gobernador na ginagamit umano ang Provincial Union of Leaders against Illegalities at Luntiang Katipunero, pero itinanggi naman nila ito ni Suarez.
◘◘◘
INAALAM pa kung may katotohanan na ang catering services na ginamit sa okasyon ay pag- aari hindi umano ng hepe ng Provincial General Services Office.
Mahalagang magkaroon ng imbestigasyon hinggil dito upang makaiwas sa gusot at lumutang ang katotohanan.
◘◘◘
MAGSILBING aral sana ito sa mga tao na dumadalo sa mga pagtitipon sa panahon ng Kapaskuhan lalo pat ang nago organisa ay mga pulitiko.
Maging maingat sana tayo sa libreng tsibog at laklak.
Nasa huli palagi ang pagsisisi!





Comments