top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Mag-ingat sa fake news na nagkalat sa social media

Writer: BULGAR
BULGAR
Dec 7, 2021
2 min read

ni Pablo Hernandez III - @Prangkahan | December 07, 2021


‘WAG MANIWALA SA FAKE NEWS KASI BAKA MAGNANAKAW ANG MAIBOTO—Habang papalapit ang halalang 2022, kapuna-puna na nagkalat ang fake news sa social media ng mga bloggers, YouTubers at TikTokerist.


May fake news na pinalalabas na mabuting kandidato ang pulitikong may bahid ng korupsiyon, habang may fake news na pinalalabas na masamang kandidato ang pulitikong walang bahid ng korupsiyon.


Dapat maging mapanuri ang mga netizens sa mga kumakalat sa social media kasi mahirap magkamali dahil baka ang maiboto nila ay magnanakaw na pulitiko, at kapag nangyari na kurakot na kandidato ang nagwagi, mamamayan ang kawawa riyan, boom!


◘◘◘


OCTA, NAPUPURI SA COVID-19 RESEARCH AT NABA-BASH KAPAG NAGLABAS NG SURVEY TUNGKOL SA PULITIKA—Marami ang natuwa sa pahayag ng OCTA Research Group na low risk na sa COVID-19 ang Metro Manila.


Mainam na magpokus ang OCTA sa paglalabas ng datos tungkol sa COVID-19 cases at ‘wag nang maglabas ng resulta ng mga pa-survey kuno nila sa mga kandidato sa halalang 2022.


Sa totoo lang, kapag may kaugnayan sa COVID ang kanilang research ay napupuri sila ng publiko, pero kapag naglabas sila ng resulta ng survey sa mga pulitiko, bash ang inaabot nila sa netizens kasi hindi kapani-paniwala ang mga inilalabas nilang survey na may kinalaman sa pulitika, period!

◘◘◘


PHARMALLY EXECUTIVE, MAGALING NA NGA SA PANRARAKET SA KABAN NG BAYAN, MAGALING PA MAG-DRAMA—Sa nakalipas na hearing ng Senate Blue Ribbon Committee na pinamumunuan ni Sen. Richard Gordon, humagulgol nang iyak ang isa sa mga sangkot sa panraraket sa kaban ng bayan na si Pharmally Pharmaceutical Corp. executive Twinkle Dargani, na kesyo wala siyang kinalaman sa naganap na anomalya sa pagitan ng PS-DBM (Procurement Service-Depr. of Budget and Management at Pharmally.


Aba’y ang lintek, hindi lang pala sa panraraket sa kaban ng bayan magaling, pati sa drama ay magaling din, buwisit!


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page