Pinasok sa bahay... Edad 29, ni-rape ng 18-anyos

by Levi Gonzales @News | November 11, 2026

Photo: Circulated
Arestado ang isang 18-anyos na lalaki matapos umanong gahasain ang isang 29-anyos na babaeng tindera ng isda sa loob ng silid nito sa Brgy. South Poblacion, Naga City.
Kinilala ang suspek na si alyas Esmi, residente ng nasabing barangay, habang ang biktima naman ay kinilalang si alyas Bebs, walang asawa.
Alas-11 ng gabi, natutulog umano ang biktima nang maramdaman ang isang taong nakadagan sa kanya. Nang magising at makilala ang suspek, agad niya itong kinompronta subalit tumakas ang suspek.
Agad na nagsagawa ng operasyon ang pulisya kung saan naaresto ang suspek. Inihahanda na ang kasong rape laban dito.





Comments