Mag-ina, kaya laging war… SHARON, UMAMING KAY GABBY NAGMANA NG UGALI SI KC

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | June 24, 2024

Sa isang interview, nabanggit ni Megastar Sharon Cuneta kung gaano niya kamahal ang kanyang mga anak.
Si Frankie raw ang kaugaling-ugali niya. Si Miel naman ay very independent. At si KC Concepcion, na inamin niyang madalas ay nakakatampuhan niya, ay special din sa kanya dahil ito ang kanyang panganay. Pero, magkaibang-magkaiba raw sila ng ugali ni KC.
Mas minana raw nito ang ugali ng kanyang ama na si Gabby Concepcion. Medyo matigas ang loob ni KC tulad ng kanyang ama.
Ganunpaman, nananaig pa rin ang pusong-ina ni Megastar kahit may tampo sa kanyang panganay. After all, nakikita naman ni Shawie na naa-appreciate ni KC ang mga bagay na ibinibigay niya at wala siyang panunumbat na naririnig kay KC.
Ang lambing lang naman ni KC ang hinahanap-hanap ni Shawie.
Well, darating din ang panahon na maiintindihan nila ang isa’t isa.
HINDI man visible sa pelikula, mapapanood naman si Bayani Agbayani sa iba’t ibang TV shows.
Bahagi pa rin siya ng I Can See Your Voice na napapanood sa A2Z, sa Kapamilya Channel at TV5 na umeere tuwing Sabado at Linggo, 8:30 PM.
May sitcom din si Bayani sa Net25, ang GOODWILL na produced ni Korina Sanchez at mapapanood tuwing Linggo, 5 PM.
Kasama rin si Bayani sa bagong sitcom ng Muhlach Family, ang Da Pers Family na ipapalabas na sa July 22 directed by Danny Caparas.
Ang Da Pers Family ay pagbibidahan nina Aga Muhlach, Charlene Gonzales kasama ang kanilang mga anak na sina Atasha at Andres Muhlach. Si Bayani ang creative consultant ng show at nasa cast din si Roderick Paulate.
May Facebook (FB) live rin si Bayani na Tupad Kahilingan na mapapanood tuwing Martes at Biyernes. Dito ay maraming kahilingan ang sinisikap niyang bigyan ng katuparan sa tulong ng mga Good Samaritans.
MABENTA rin palang endorser ang pamilyang artista na pamilyar sa masang ‘Pinoy.
Tulad na lang ng pamilya nina Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo kasama ang mga anak na sina Yohan, Lucho at Luna, dahil endorser sila ngayon ng isang sikat na food chain.
Minsan, ang mag-inang Juday at Luna ang magkasama sa isang endorsement.
Well, pati ang pamilya nina Iya Villania at Drew Arellano ay hindi rin makapaniwala na magiging endorser sila ng malaking fast food chain na paborito ng mga bata. Kung anuman ang kinikita ng kanilang mga anak sa mga commercial endorsements ay maingat nilang itinatabi para sa future needs ng mga ito.
Well, may tsika na ang unang kinukuhang endorser ng dalawang sikat na fast food chain ay dalawang sikat na female celebrities pero napakataas ng hinihinging talent fee ng mga ito.
Kaya nag-decide ang kumpanya na pamilya ng artista na lang ang kuning endorser at mas lumabas pang maganda dahil pamilyang Pinoy ang tumatangkilik sa mga fast food
chain.
Mas madali pa ang recall ng publiko dahil sikat ang pamilyang Agoncillo at Arellano.
Nag-iba na raw ang timbre ng boses…
REGINE, NA-INSECURE NA 'DI NA KAYANG BUMIRIT

HINDI lang mga artista, direktor at movie producers ang naapektuhan ng COVID-19 pandemic. Maging ang ilang singers ay dumanas din ng krisis sa kanilang career.
Kung dati-rati ay marami silang local and foreign shows, biglang tumamlay ang career ng mga singers at ang iba ay sinuwerteng nabigyan ng TV show. Meron namang naging product endorser.
Isa sa mga labis na nag-alala sa kanyang career ang Asia’s Songbird na si Regine Velasquez. Bagama’t hindi naman bumaba ang kanyang premium bilang singer/recording artist, bihira na ang bumibili ng album at CDs. Madalang na rin ang mga shows at concerts.
Well, may regular TV show naman si Regine, ang Magandang Buhay. Pero hinahanap-hanap pa rin niya ang pagkanta at pagpe-perform on stage.
Medyo na-insecure lang si Regine dahil may ilang komento na hindi na niya kayang bumirit tulad ng dati. Nagbago na raw ang timbre ng kanyang boses.
Ganunpaman, walang dapat na ipag-alala ang Asia’s Songbird. Wala na siyang dapat patunayan pa. Narating na ni Regine Velasquez ang peak ng kanyang singing career. Hindi na niya kailangang bumirit nang bumirit para hangaan siya.





Comments