Mag-i-smuggle na lang ng bakuna ang gobyerno...
- BULGAR

- Jan 9, 2021
- 2 min read
Hindi pa dinamihan para lahat ng Pinoy ay nakinabang, he-he-he!
ni Pablo Hernandez III - @Prangkahan | January 9, 2021
SANA DINAMIHAN NA ANG INISMAGEL NA BAKUNA PARA LAHAT NG PINOY NABAKUNAHAN—Matapos sabihin ni P-Duterte na ayaw niyang paimbestigahan ang mga opisyal ng PSG (Presidential Security Group) na nasangkot sa smuggling ng COVID-19 vaccines ay hindi na itinuloy ng AFP (Armed Forces of the Philippines) ang imbestigasyon, at pati ang FDA (Foods and Drugs Administration), NBI (National Bureau of Investigation) at Senado ay tila nawalan na rin ng interes.
Kung ganyan na wala nang nagkakainteres na imbestigahan ang naganap na smuggling ng COVID-19 vaccines, sana ay dinamihan na ang inismagel na bakuna para hindi lang gov’t. officials at mga sundalo ang nabakunahan, kundi pati ang mamamayang Pinoy, period!
◘◘◘
P10.3 TRILYON NA ANG UTANG NG DUTERTE GOV’T. PERO HANGGANG NGAYON WALA PA RIN BAKUNA—Pumalo na sa higit P10.3 trilyon ang utang panlabas ng Pilipinas, at ang malaking halaga sa mga utang na ito ay inutang ng Duterte gov’t. para pambili ng COVID-19 vaccines.
Ang masaklap, sa kabila na ganito na kalaki ang utang ng Pilipinas, hanggang ngayon ay wala pang dumarating na bakuna sa bansa, buwisit!
◘◘◘
KUNG MABILIS UMAKSIYON ANG LGUs, SIYANG KUPAD NAMAN NG NATIONAL GOV’T.—Dahil wala pang malinaw na plano ang national gov’t. kung kailan bibili ng COVID-19 vaccines para sa mga Pinoy, nagpasya na ang ilang LGUs na maglabas ng sariling budget at direktibang nakipag-ugnayan na sa mga kumpanyang gumagawa ng bakuna para makabili bilang proteksiyon sa kanilang nasasakupan.
Mabuti pa ang mga LGUs, ang bilis umaksiyon, pero ang national gov’t., ubod ng kupad, pwe!
◘◘◘
PILIPINAS, PALAGI NA LANG ‘LATE’—Ngayong may bakuna nang ibinebenta sa international market, inihayag ng Moody’s Analytics na ang Pilipinas daw ang pinakahuling makaka-recover sa pandemya dahil sa first quarter pa raw ng year 2022 makaahon ang ating ekonomiya.
Saklap naman, palaging late ang Pilipinas! Late sa pag-travel ban sa China na pinagmulan ng virus, late sa mass testing, late sa ayuda, late sa pagbili ng bakuna at pati pag-ahon ng ekonomiya, late pa rin, tsk-tsk-tsk!





Comments