top of page
Search
  • BULGAR

Mag-hipag, sabay pa... MAINE AT RIA, MAY DAHILAN KAYA AYAW UMAMING BUNTIS

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | May 2, 2024


File photo
File photo: Ria Atayde - Maine Mendoza / FB

WALA pang pag-amin mula sa kampo ni Ria Atayde tungkol sa nababalitang pagbubuntis niya. May tsika ang ilang netizens na 3 months preggy na si Ria nang sila ay magpakasal ni Zanjoe Marudo, pero hindi nila kinumpirma sa publiko dahil ayaw nilang pagpiyestahan sa social media. 


Pero, ang pinaka-exciting news na inaabangan ng lahat ay ang diumano’y pagbubuntis ni Maine Mendoza. 


Madalas biruin si Maine ni Joey de Leon sa Eat… Bulaga! at pinag-iingat sa paggalaw dahil minsan ay nag-i-split pa si Maine ‘pag sumasayaw.


Well, maaaring may sariling dahilan sina Ria Atayde at Maine Mendoza kung bakit ayaw pa nilang aminin ang kanilang pagbubuntis. 


Ganunpaman, tiyak na doble ang saya ni Sylvia Sanchez (Ibyang) kung totoo ngang parehong buntis sina Ria at Maine. 


Gustung gusto na ni Ibyang na magkaroon ng apo at may tatawag na sa kanya ng lola. At mukhang dalawa pa agad ang ibinigay sa kanyang apo, ha?!


0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page