Mag-ex, nagkita uli… CARLO AT ANGELICA, NAGYAKAPAN SA PARADE OF STARS
- BULGAR

- 1 hour ago
- 4 min read
ni Janiz Navida @Showbiz Special | December 20, 2025

Photo: Carlo Aquino at Angelica Panganiban / Bulgar
Hindi naging hadlang ang malakas na buhos ng ulan para matuloy ang Metro Manila Film Festival 2025 Parade of Stars kahapon na nag-kick-off sa Macapagal Boulevard at nagtapos sa Circuit Makati.
Nakakatuwa ang all-out participation ng mga artistang bumibida sa 8 official entries sa MMFF this year dahil kitang-kita sa kanila ang excitement na makasakay sa kani-kanilang float para pumarada sa mga kalsada at i-promote ang kani-kanilang pelikula.
Sa cast ng I’mPerfect, bukod sa producer na si Ms. Sylvia Sanchez, dumating si Ms. Lorna Tolentino, ang mga bidang sina Earl Amaba at Krystel Go at ang iba pang mga batang may Down syndrome na kasama sa pelikula ng Nathan Studios.
Para sa Call Me Mother, dumating ang bidang si Vice Ganda pero hindi namin namataan si Nadine Lustre. Umakyat naman ng stage sina Brent Manalo at Mika Salamanca, Shuvee Etrata, River Joseph, Esnyr at Klarisse de Guzman para imbitahan ang mga taong manood ng movie sa Dec. 25.
Solid naman ang mga artista ni Gerald Anderson para sa movie nilang Rekonek kung saan hindi lang siya bida kundi co-producer din ng MM Reality Studios. Ang sipag mag-promote ng Legazpi family (Carmina, Zoren, Cassy & Mavy), Alexa Miro, Bela Padilla, Raf Pineda at Daumier Corilla.
Bago umakyat ng stage, nakausap namin sa loob ng tent sina Carmina at Zoren Legazpi na happy para sa kanilang kambal na sina Cassy at Mavy dahil nabibigyan na rin ng break ngayon at hindi na nakadepende lang sa shadow nilang mag-asawa.
Maraming nakapansin na sa ganda at kaseksihan ni Cassy ngayon, puwede raw itong mag-beauty queen kaya tinanong ang mag-asawa kung papayagan nila ang anak.
Sabi ni Carmina, kung ano ang gusto ni Cassy, all-out support siya.
Pero si Zoren, kontra, at kung siya raw ang tatanungin, “Ako, ayoko. Eh, dahil sa nangyari recently (sa last Miss Universe pageant),” natatawang sagot nito.
“‘Wag na lang, marami namang iba. Pero kung gusto niya, wala tayong magagawa. Pero kung ako ang tatanungin n’yo, ayoko,” dagdag na diin pa nito.
Samantala, para sa Love You So Bad movie, present ang mga bidang sina Bianca de Vera, Will Ashley at Dustin Yu kasama ang direktor na si Mae Alviar-Cruz.
Tinanong namin si Direk Mae kung bakit ang movie lang nila ang walang premiere night sa 8 entries at paliwanag nito, iniiwasan daw kasi nilang magkaroon ng spoiler kaya sabay-sabay na lang panoorin sa pagbubukas ng MMFF sa Dec. 25.
Halos mapuno naman ang stage na isinet-up sa Macapagal Boulevard ng cast ng Shake, Rattle & Roll: Evil Origins sa pangunguna nina Janice de Belen, Carla Abellana at Richard Gutierrez kasama sina Dustin Yu, Fyang Smith at JM Ibarra, Francine Diaz at Seth Fedelin, Ashley Ortega, Karina Bautista, Matt Lozano, Althea Ablan, Ysabel Ortega among others.
Para sa Manila’s Finest, dumating din ang cast sa pangunguna ng aktor-producer na si Piolo Pascual kasama sina Cedrick Juan, Joey Marquez, Romnick Sarmenta, Rica Peralejo, Ashtine Olviga, Rico Blanco, Kiko Estrada, Dylan Menor, Paulo Angeles, at iba pang artista sa pelikula ni Direk Raymond Red.
Solid din ang mga bida at supporting cast ng Bar Boys 2: After School sa pangunguna nina Carlo Aquino, Rocco Nacino, Enzo Pineda at Kean Cipriano kasama sina Will Ashley, Glaiza de Castro, Therese Malvar, Sassa Gurl at iba pang artista sa pelikula ni Direk Kip Oebanda.
Nakausap din namin si Carlo sa tent ng Bar Boys 2: After School at happy daw siya na suki siya ng MMFF dahil halos taun-taon ay may entry siya.
For 2026, goal daw nila ng misis na si Charlie Dizon (na kasama naman sa Rekonek movie) na magkaroon na ng kanilang dreamhouse at first baby. Gusto nang sundan ni Carlo ang panganay na si Mithi (sa first partner na si Trina Candaza) dahil malaki na rin naman ito.
Well, why not? Mas oks kung lalaki para may magdala na ng apelyido niya, pero kung anuman ang ibigay ni Lord, okay naman daw sa kanila ni Charlie.
Nakaka-happy naman ang pagkikitang muli ng mag-ex na sina Carlo Aquino at Angelica Panganiban kahapon na nasaksihan ng aming kasamahang writer dito sa BULGAR na si Rohn Romulo.
Chika sa amin ng aming Kumareng Rohn, pagbaba ng cast ng Bar Boys 2 sa stage, papanhik naman ang cast ng Unmarry sa pangunguna nina Angelica Panganiban at Zanjoe Marudo kaya nagkita sina Carlo at Angelica at masaya raw na nagyakapan after a long time yatang hindi pagkikita.
At least, all’s well that ends well na talaga at past is past na between them. After all, pareho na silang masaya sa kani-kanilang partner ngayon, ‘di ba?
Well, masaya naman si Angelica sa kanyang pagbabalik sa pag-arte at ang good friend pa nga niyang si Zanjoe Marudo ang kasama niya sa kanilang MMFF entry kaya inspired din siyang i-promote ang kanilang pelikula.
Sa December 25 na magsisimulang mapanood ang 8 official entries sa MMFF at kahapon nga ay pinatunog na ni MMDA Chairman Atty. Don Artes ang gong bilang hudyat ng pagsisimula ng festival.
Sa December 27 naman gaganapin ang MMFF 2025 Awards Night at for sure, masaya rin ito dahil muling dadagsa ang mga artistang kasama sa 8 official entries.
Kaya sa mga Ka-Bulgar natin, make sure na makapanood ng kahit 1 o 2 sa mga entries para mahusgahan n’yo kung karapat-dapat silang manalo sa awards night.














Comments