Mag-ex, maayos ang hiwalayan… KAYE AT JOHN LLOYD, NAGSAMA ULI
- BULGAR
- May 7, 2023
- 1 min read
ni Nitz Miralles @Bida | May 7, 2023

This Sunday na mapapanood ang guesting ni Kaye Abad sa sitcom ni John Lloyd Cruz na Happy ToGetHer at sa mga nakita naming behind the scene photos, masaya sina JLC at Kaye to be working together again.
Tama yata ang comment ng mga fans na maayos ang breakup ng dalawa, kaya nanatili silang magkaibigan.
Tuluy-tuloy na ang comeback ni Kaye. May ginagawa siyang pelikula kasama sina Paolo Contis at Patrick Garcia.
Ang request ng mga fans, gumawa sana sila ng pelikula ni JLC, para mas sumaya pa ang mga ito.





Comments