top of page

Mag-ex, bati na talaga… MGA ANAK NI SUNSHINE, HAPPY NA KASAMA SI CESAR AT ANG BAGONG DYOWA

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • May 29, 2023
  • 2 min read

ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | May 29, 2023



Kinumpirma ni Sunshine Cruz na talagang pinaghilom na ng panahon ang mga sugat sa kanyang puso na nilikha ng dating asawang si Cesar Montano.


Ngayon nga kasi ay maayos na maayos na ang relasyon nila at naging kaibigan na rin niya ang partner ngayon ni Buboy na si Kath Angeles.


In fact, madalas nga silang magkasama-sama lately, lalo na nga sa mga family occasions.


Kumbaga ay perfect example sila ng modern blended family.


"Time heals all wounds. I think it's about time and I feel and I see that my kids are really very, very happy every time that they would go out with Kath and with Cesar," pahayag ni Shine nang makapanayam ng entertainment press sa mediacon ng Unbreak my Heart.


"And may mga milestones sa bata na kailangang i-share ng parehong magulang. It feels good na New Year, birthday ng mga anak ko, graduation ay nandoon kami both.


"And wala na talaga, no more wounds, wala nang kahit ano and it's just really a blessing na of course, pati 'yung partner ni Cesar na si Kath ngayon ay naging bridge rin talaga na maging close ang lahat.


"And the kids are very happy with that. Of course, kapag masaya ang mga anak mo, buhay ko ang mga anak ko, it makes me the happiest," dagdag ng aktres.


In-acknowledge rin ni Shine ang pagiging good influence ni Kath kay Cesar. Aniya, "So, I think talaga kapag mabait ang partner, lalong babait ang tao. It's really possible. Lahat naman tayo... kung ang Diyos nga, nagpapatawad, bakit tayo, hindi?"


Dagdag pa niya, "And kung ang sugat, naghihilom, 'di ba? So, bakit hindi ka rin maghi-heal from everything that has happened in the past?"


Samantala, thankful and honored si Shine na napabilang siya sa first collaboration project ng ABS-CBN and GMA-7 na Unbreak my Heart.


Feeling blessed din si Sunshine dahil tuluy-tuloy pa rin ang kanyang work. After ng afternoon series niya sa GMA-7 ay may kasunod nga agad ito.


"Sobrang grateful and blessed kasi dire-diretso talaga ang work. And of course, nakakatuwa kasi blessing for me ito and it's a dream come true to be able to work with Jodi (Sta. Maria), Papa Chen (Richard Yap), Gabbi (Garcia) and Joshua (Garcia) kasi the last time na katrabaho ko sila, picture lang ako, saka flashback scene sa Be Careful with My Heart and that was 2012," masayang kuwento ni Shine.



Noong una raw ay guest appearance lang siya at may ilang eksena lang sa Milan, Italy.


"So, sabi ko, sige na, kahit guest lang. And thank God na I got a good news pag-uwi ko rito from Milan, makakasama na ako sa cast, regular cast. So, another blessing for me talaga," aniya.


Kabilang din sa serye sina Laurice Guillen, Eula Valdes, Nikki Valdez, Romnick Sarmenta, Victor Neri, Dionne Monsanto, PJ Endrinal, Maey Bautista, Marvin Yap at Mark Rivera, pati na ang mga up-and-coming young actors na sina Will Ashley, Jeremiah Lisbo at Bianca de Vera.


Magsisimula na ang Unbreak My Heart ngayong May 29, 9:35 PM sa GMA Telebabad, Pinoy Hits, at I Heart Movies.


Napanood din ito dalawang araw bago ipalabas sa telebisyon sa GMANetwork.com, iWantTFC, at Viu nu'ng Mayo 27.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page