Mag-BF, bagay na bagay daw talaga… JANINE AT RAYVER, PAREHO NANG BEST ACTRESS AT BEST ACTOR
- BULGAR

- Nov 13, 2020
- 1 min read
ni Reggee Bonoan - @Sheet Matters | November 12, 2020

Nai-imagine namin si Rayver Cruz na nagtatatalon kasama ang kasintahang si Janine Gutierrez dahil sa pagkakapanalo ng aktres bilang Best Actress para sa pelikulang Babae at Baril sa katatapos lang na virtual Gawad Urian Awards 2020 nitong Martes nang gabi.
Kaagad nag-post si Rayver sa kanyang IG account ng larawan ng nobya na kuha sa eksena ng pelikula.
Ang caption ng aktor, “Gawad Urian 2020 Best Actress, super proud of you. More to come 'yan, lista mo na, hehe (clap hands emoji)."
Ang daming boto kina Rayver at Janine dahil bagay na bagay, bukod pa sa parehong magaling, maganda/guwapo at mababait na tao.
Kung may Best Actress award si Janine ay matagal naman nang may Best Actor award si Rayver noong 2013 sa Cinema One Originals para sa pelikulang Saturday Night Chills na idinirek ni Ian Lorenos.
Samantala, may ginagawang pelikula si Rayver kasama si Julie Ann San Jose pero nahinto dahil sa pandemya at sa Enero, 2021 na ito magre-resume na produced ng GMA Films sa muli nilang pagbabalik.
As of now ay napapanood si Rayver sa The Clash at All Out Sundays.





Comments