Mag-asawa, tameme pa rin… LOVI, DAWIT NA RIN SA HIWALAYANG CARLA-TOM
- BULGAR
- Jan 31, 2022
- 1 min read
ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga | January 31, 2022

Matapos na itanggi ng Kapuso star na si Kelley Day ang tsismis na siya ang third party sa paghihiwalay nina Carla Abellana at Tom Rodriguez, heto at bigla na lang lumutang ang pangalan ni Lovi Poe na iniuugnay din kay Tom.
Buntis din daw si Lovi at si Tom ang ama!
Well, isa itong malaking FAKE NEWS dahil never namang na-link sa isa’t isa sina Lovi at Tom.
Pero, ang labis na ipinagtataka ng mga netizens ay bakit walang statement ang kampo nina Carla at Tom tungkol sa isyu ng kanilang paghihiwalay? Bakit hindi nila idenay kung hindi totoo?
May mga showbiz observers naman ang nagsasabing baka may bahid ito ng katotohanan. At maaaring inaayos na lang muna ng mag-asawa ang kanilang marital problem at baka maisalba pa.
Depensa naman ng mga loyal fans ni Tom Rodriguez, hindi playboy ang image ng kanilang idolo. Sa panahon ng kanilang relasyon ni Carla bilang magkasintahan ay naging matapat ito.
Mahal na mahal niya ang aktres kaya ito’y kanyang pinakasalan.
Well, tiyak na aabangan at susundan ng mga Marites sa showbiz ang istoryang hiwalayan nina Carla at Tom.





Comments