Mag-asawa, pinagbabaril ng mga nakamotor
- BULGAR

- 1 day ago
- 1 min read
by Jeff Tumbado @News | August 22, 2026

Photo: File
Patay ang isang misis habang sugatan naman ang kanyang asawa matapos pagbabarilin ng mga nakamotorsiklong salarin sa Brgy. Inug-ug sa Pikit, Cotabato, Biyernes ng umaga.
Kinilala ang mga biktima na sina Orlan Saguta-on, 34, at Colie Mar, 29, kapwa residente ng Brgy. Amas, Kidapawan City.
Minamaneho ni Orlan ang kanilang multicab mula Brgy. Amas patungong Brgy. Takepan upang maghatid sana ng mga punla ng niyog nang dikitan sila ng mga suspek na sakay ng motor.
Bigla umanong pinagbabaril ang mag-asawa, na kapwa nagtamo ng mga tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng kanilang katawan. Nasawi agad si Colie habang isinugod naman sa pagamutan si Orlan.
Patuloy naman ang imbestigasyon sa krimen.





Comments