top of page
SHEET - MGA ARTISTANG NAG-EENDORSO NG ONLINE GAMBLING, ‘DI NAGLALARO-IG _ogie_diaz.jpg

Mag-asawa, parehong ayaw magsalita… KALAT NA: TOM, NAKABUNTIS NG IBA BAGO PA IKINASAL KAY CARLA

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jan 27, 2022
  • 3 min read

ni Janiz Navida @Showbiz Special | January 27, 2022




Matapos maging bida ng kanyang pagma-Marites sina Barbie Imperial at Diego Loyzaga — na mukhang nauwi na nga sa tuluyang breakup — may bago na namang sinawsawan ang self-proclaimed Pambansang Marites ng 'Pinas na si Xian Gaza.


Sa latest Facebook post kasi kahapon (Miyerkules) ng controversial social media Marites, ipinakita ni Xian na nag-DM (direct message) siya kay Carla Abellana sa Instagram account ng aktres. Ito'y matapos kumalat na hiwalay na raw sina Carla at Tom Rodriguez dahil sa pag-unfollow nila sa isa't isa sa IG.


Parte ng direct message ni Xian kay Carla na mababasa sa FB post ng una, "May gusto lang sana akong linawin para makatulog na po ako. Dalawang gabi na kasi akong binabagabag nito.


Apektado na po 'yung mental health ko.


"How true na may iba siyang nabuntis few months bago ang kasal? Totoo po ba ang tsismis na itey? Or fake news lamang ito?"


Of course, dahil sa tsismis na 'yan na ikinalat ni Xian Gaza, inaabangan ngayon ang sagot ni Carla Abellana kung ano nga ba ang totoong kuwento at ano rin ang estado ng relasyon nila ng asawang si Tom.


Pero mas maganda sanang si Tom na lang ang magsalita, tutal naman ay siya ang natsitsismis na nakabuntis bago ang kasal nila ni Carla.


Basta kami, ang prayer namin ay malagpasan nina Carla at Tom kung anumang pagsubok ang dumating sa kanilang relasyon, lalo't hindi na lang sila basta BF-GF ngayon, sumumpa na sila sa harap ng Diyos na magsasama sila "FOR BETTER OR FOR WORSE, FOR RICHER OR FOR POORER, IN SICKNESS OR IN HEALTH, TILL DEATH DO US PART."


Wala raw isang salita…

HIRIT NG KAMPO NI SEN. TITO: BISTEK,

UMOO NA, BIGLA PANG LUMIPAT KAY SARA



May nakapagbulong sa amin mula sa kampo ni Sen. Tito Sotto na may tampo pala ito ngayon kay dating Quezon City Mayor Herbert Bautista.


Nag-ugat ito sa diumano'y binitawang salita ni ex-Mayor Bistek kay Tito Sen. na sa partido nila ni Sen. Ping Lacson ito tatakbo bilang senador at sila ang susuportahang presidentiable at vice-presidentiable.


Nabulaga na lang ang Eat Bulaga! host-senator na si Davao Mayor Sara Duterte na pala ang sinusuportahan at ineendorsong kandidato ni ex-Mayor HB.


Well, gusto muna naming marinig ang paliwang ni Mayor Bistek kung ano ba talaga ang nangyari at bakit nu'ng una'y nasa kampo nga siya nina Sen. Ping at Sen. Tito pero bigla na lang napunta kay Mayor Sara.


Sana'y mabigyang-linaw agad ng dating alkalde at makapag-reach out siya kay Tito Sen. nang mawala ang tampo nito, lalo't may malalim din naman silang pinagsamahan way, way back pa.


Para sure na safe sa COVID…

CARL BALITA: NO VAX, NO FLY SA MGA OFWS!



Malapit ang puso ng dating ABS-CBN anchor-entrepreneur at ngayon ay senatoriable na si Dr. Carl Balita sa mga nurses at health workers, pero may malaking malasakit din siya sa ating mga OFWs na sabi nga ni Dr. Carl, mga unsung heroes na dapat lang bigyan ng tribute.


Kaya naman naisip ni Dr. Carl Balita na magbigay ng free concert titled Awit, Saya, Pag-asa (A Concert from Home) na mapapanood via Zoom (Zoom ID: 93249715391) at sa kanyang YouTube Channel sa Biyernes, January 28, at 6 PM.


Laking-tuwa at pasasalamat ni Dr. Carl sa mga kaibigang local singers na nagbigay ng suporta at nag-offer ng kanilang free services para sa concert tulad nina Dulce, Bayang Barrios, Vehnee Saturno, Richard Reynoso at Poppert Bernadas.


Sina Ms. Beverly Salviejo, Kitkat, Brod Pete at Jograd dela Torre naman ang magiging mga hosts ng Awit, Saya, Pag-asa.


Sa chikahan with the press people last Tuesday, natanong namin si Dr. Carl kung ano'ng maitutulong niya sa mga OFWs saka-sakaling palarin siyang manalong senador sa 2022 elections, lalo't umaangal na ang mga OFWs dahil sa hirap ng sitwasyon sa pag-alis at pag-uwi ng bansa, kung saan mahigpit ang safety protocols at magastos ang quarantine.


Bilang dating nurse at advocate ng COVID vaccine, ang tututukan daw ni Dr. Carl ay ang 'no vax, no fly' policy para matiyak ang seguridad ng bansa sa panahon ng pandemya.


Gusto rin daw niyang isulong na mas mapadali at maging convenient para sa mga OFWs ang proseso ng quarantine dahil kawawa naman ang mga ito sa mahal ng ginagastos sa pagbabayad ng quarantine facility pag-uwi at pati ang kanilang airfare ay napapamahal dahil sa ating sitwasyon ngayon.


Well, narinig na namin ang mga advocacies at nagawa na ni Dr. Carl para sa ating mga kababayan, kaya kung mabibigyan lang siya ng pagkakataon sa Senado, tiyak na mas marami pa siyang maiko-contribute.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page