Mag-asawa, nilooban na, pinatay pa
- BULGAR

- 16 hours ago
- 1 min read
ni Levi Gonzales @News | August 29, 2026

Photo: PNP / File
Kapwa nasawi ang isang mag-asawa matapos matagpuang wala nang buhay sa loob ng kanilang tahanan sa Brgy. Sadsaran, Mauban, Quezon.
Batay sa inisyal na imbestigasyon, alas-5:20 ng madaling-araw nang madiskubre ng kanilang kasambahay ang nangyari sa mga biktima.
Napansin din umano na nawawala ang ilan sa mga personal na gamit ng mag-asawa, kabilang ang wallet at cellphone.
Sa follow-up investigation at hot-pursuit operation, naaresto ng mga awtoridad ang suspek na si alyas Mervin, 39.
Nakuha umano mula sa suspek ang isang singsing na sinasabing pag-aari ng isa sa mga biktima, isang kutsilyo na pinaniniwalaang ginamit sa krimen, gayundin ang mga damit na sinasabing suot niya nang maganap ang insidente.





Comments