Search
  • BULGAR

Mag-asawa, nag-first anniversary na...

MOMMY DIVINE, ISANG TAON NA RING MASAMA ANG LOOB KINA SARAH AT MATTEO

Julie Bonifacio - @Winner | February 21, 2021





Naka-isang taon na sina Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli bilang mag-asawa kahapon, Feb. 20. And after a year, mukhang going strong pa rin ang love nila sa isa't isa.


But of course, magkakaroon at magkakaroon pa rin ng problema ang bagong mag-asawa lalo pa't period 'yan na nag-a-adjust pa sila sa bagong buhay ng bawat isa sa kanila.


Sabi nga ni Sarah in her interview recently, sa kabila ng challenges ng buhay-mag-asawa ay rewarding pa rin naman, at ang pagpapakasal daw niya ang happiest moment of her life.


"Rewarding siya dahil 'yun nga, kasama mo ang mahal mo sa buhay, tapos you have the freedom. You get to choose and decide for yourself, not just for yourself but for the both of you. You become one, as one na kayo," pahayag ni Sarah sa isang interbyu.


In fairness, walang lumabas na isyu na nagkaroon ng problema sa kanilang pagsasama.


Tahimik at kalma lang ang mag-asawang Guidicelli kasabay din ng pananahimik ng career ni Sarah. Except for some new endorsements ni Sarah, and some with Matteo. Walang makikita sa Instagram account ni Sarah kundi mga endorsements niya at with Matteo.


Mukhang true ang puna ng ilang showbiz kibitzers na mas nag-gain sa pag-aasawa ni Sarah ang kanyang mister na si Matteo more than hers.


Mas nadagdagan ang endorsement ni Matteo kesa kay Sarah. Mas happy ang mga Guidicelli kesa sa mga Geronimo na up to now ay walang balita na galawan ng pakikipag-ayos ng mag-asawa kay Mommy Divine Geronimo.


Matatandaan na isa sa mga controversial issues ang "patago" pero "nabuking" din na wedding nila sa Taguig City weeks before i-declare ang lockdown last year.


Pero siguro naman, may ginagawang move sina Sarah at Matteo para makipag-ayos kay Mommy Divine. Hindi lang siguro nababalita.


And before it's too late, dapat magkaayos na ang mga hindi nagkakaunawaan, lalo na't super-lapit na kapamilya.


May nabasa kaming comment ng netizen na isang taon na rin daw masama ang loob ni Mommy Divine sa mag-asawa.


"@girlcuddly 1 yr. na pala masama ang loob ng nanay."


Anyway, nagtatanong na rin ang marami kung bakit hanggang ngayon ay wala pa ring baby sina Sarah at Matteo, samantalang sandamakmak na ang nagbuntis at nanganak na celebrities nitong pandemic, 'di bah?


Unless, plano talaga nila na huwag munang magkaroon ng anak agad-agad.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.