top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

Mag-asawa, bati na raw talaga… HEART KAY CHIZ: SEE YOU SOON!

Writer: BULGAR
BULGAR
Dec 28, 2022
2 min read

ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | December 28, 2022



Finally, ang pinakaaabangan ng lahat mula kay Heart Evangelista ay naganap na sa latest Instagram update ng Kapuso actress. Ito ay nang magbigay siya ng mensahe sa asawang si Sen. Chiz Escudero na tila “sagot” sa issue ng hiwalayan nila.


Nagbahagi ng isang short video si Heart na kasalukuyang nasa Paris showing off her watch na ine-endorse habang namamasyal roon.


Aniya sa caption: “Living between 2 worlds, Paris and Manila.”


“Walking around Paris before heading home for New Year,” aniya pa.


Pero ang matindi ay ang pahabol (PS) niya sa dulo.


“See you soon @escuderochiz,” ang maikling mensahe ni Heart para sa asawa.


Sapat na ito para magkagulo ang kanyang mga followers na matagal na ngang nag-aabang ng any statement niya regarding the issue na ilang buwan na nga ring nagsi-circulate.


Narito ang ilang reaksiyon ng mga netizens:


“I love how a simple PS shuts down all the rumors.”


“Pinagalaw na ni Ninang ang baso!! Team keso at puso tayo.”


“OMG! You made us all so happy with the “PS”! Thank God!”


“OMG! Kahit wala akong na-receive na gift this Christmas, itong post mo lang, idol, super happy na ang Pasko... Can't wait to see the two of you in one picture again."


“Omggggg!!!! Ba't ako naiyak sa 'see you soon.’"


“BOOM!!! P.S. LANG!!!! Tapos usapan.”


“Yeheyyyyyy I think they are okay now!!! Answered prayer!!! Sana sana…”


“Kanina lang, naha-high blood ako sa presyo ng sibuyas, pero nu'ng nabasa ko 'yung PS. nawala na... Bibili pa ako ng isang kilo ng sibuyas kahit mahal.”


Pero may mga negatibo pa ring reaksiyon na nagsabing baka “see you in court” ang ibig sabihin ni Heart.


Well, abangan na lang natin ang next post ni Heart pagbalik niya ng 'Pinas.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page