top of page
WINNER - LEA, IN-UNFOLLOW SINA RM AT J-HOPE NG BTS, TINAWAG NA CLOUT CHASER NG FANS-IG _ms

Mae Bell, walang hirap ang paglarga sa Turf

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Oct 2, 2023
  • 1 min read

ni Green Lantern @Renda at Latigo | October 02, 2023


Parang nag-jogging lang si Mae Bell ng tawirin nito ang finish line at manalo sa 2023 PHILRACOM 2-Year-Old Maiden Race na inilarga sa Metro Turf, Malvar - Tanauan City sa Batangas noong Sabado ng hapon.


Kumaripas sa largahan si Mae Bell na sinakyan ni former Philippine Sportswriters Association, (PSA) - Jockey of the Year awardee Patty Ramos Dilema para hawakan ang unahan.


Lamang ng dalawang kabayo si Mae Bell sa pumapangalawang si Blame The Ghost sa kalagitnaan ng karera habang nasa pangatlong puwesto si Malibu Princess.


Pagdating ng far turn ay nanatili ang bentahe kay Mae Bell kaya naman pagsapit ng huling kurbada ay nasa tatlong kabayo na ang kanyang lamang sa Blame The Ghost.


Hindi na pinaporma ni Mae Bell ang mga katunggali at tumuloy na ito sa meta upang manalo ng may apat na kabayong agwat sa sumegundong Polite Bell.


Inirehistro ni Mae Bell ang tiyempong 1:12.8 minuto sa 1,200 meter race sapat upang hamigin ng winning horse owner na si RC de Leon ang P20,000 added prize.


Tumersero si Blame The Ghost habang pumang-apat si Malibu Princess sa event na suportado ng Philippine Racing Commission, (PHILRACOM) ni Chairman Reli de Leon.


Samantala, nagpakitang gilas naman si Gaelic Flavor sa PHILRACOM Rating Based Handicapping System na pinakawalan sa pangalawang karera. Inilista ni Gaelic Flavor na sinakyan ni Esmael Nahilat ang 1:28.4 minuto sa 1,400 meter race.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page