Madlang pipol, sinisi dahil judgmental…
- BULGAR

- Jan 11, 2021
- 1 min read
NADINE, MAS GUSTONG UMAKYAT SA BUNDOK NANG NAKA-PANTY LANG KESA MAGSUOT NG BASANG SHORTS
ni Nitz Miralles - @Bida | January 11, 2021

May nakita kaming litrato ni Nadine Lustre na suot ang bikini bottom habang nagha-hiking. Naging isyu ito sa aktres dahil nagha-hiking daw nang naka-bikini. Pero may paliwanag dito si Nadine sa kanyang IG Stories.
“Ayokong magsuot ng basang shorts, kaya nagpatuyo muna ng mga 10 mins, ok. Ikaw kaya magsuot ng basang maong habang nagha-hike. I can’t believe people really assumed that I hiked in a bikini. Balakayodiyan. Babalik na 'ko sa ulap.”
May kasunod pang post si Nadine na “'Di na ba uso fact checking ngayon? 2021 na o. anuba.”
In fairness, may suot na white t-shirt si Nadine at hindi totally bikini lang ang suot. Nabasa lang talaga ang shorts nito at sabi nga niya, pinatuyo muna at tuloy pa rin ang kanilang hiking.





Comments