Madlang pipol, shocked sa bagong hitsura…ANNABELLE: 'DI AKO NAGPARETOKE, NAGPA-FACIAL LANG
- BULGAR
- Nov 1, 2022
- 1 min read
ni Vinia Vivar - @Frankly Speaking | November 1, 2022

Kapansin-pansin na bumata talaga si Annabelle Rama sa mga latest photos niya na kuha mula sa kanyang 70th birthday party last week.
Akala nga namin at first ay naka-filter ang mga larawan, pero nang makita namin na talagang unfiltered ang photos, na-amaze rin kami dahil mas bumata naman talaga siya than before.
Maging ang mga netizens ay ganito rin ang comment at ang hinala pa nila ay nagparetoke si Tita Annabelle.
Sa kanyang Instagram post kahapon ay in-address ng Gutierrez matriarch ang issue at itinanggi na nagparetoke siya.
“Ang daming nag-comment na I look so young, baka daw nagparetoke ako. Simula ng bata pa ako hanggang ngayon, never akong nagpagawa sa mukha at sa buong katawan ko,” sey ni Tita Anabelle.
“What you see is what you get at unang-una, takot ako sa operation at injection,” patuloy niya.
Aniya ay nagpapa-facial lang siya at nagpasalamat sa celebrity doctor na si Dr. Aivee Theo na siyang nag-aalaga ng face niya.
“Nagpapasalamat ako kay @draivee and @theaiveeclinic dahil sa mga bagong machine nila at pinakamagandang facial na-try ko, kaya nagmukha akong #foreveryoung,” saad pa ng doting mom ni Ruffa Gutierrez.
“Thank you sa mga negative at positive comments, nag-enjoy akong basahin lahat at sa lahat (ng) nagmamahal sa akin at sa family ko, DAGHANG SALAMAT,” pagtatapos ni Tita Annabelle.





Comments