MADLANG PIPOL, NAGBUNYI PA SA PAGKAKAKULONG NI JAY SONZA
- BULGAR
- Aug 17, 2023
- 1 min read
ni Ambet Nabus @Let's See | August 17, 2023

Maraming mga taga-showbiz ang tila nagbubunyi pa sa pagkakakulong ng dating TV host-broadcaster na si Jay Sonza.
Halos isang buwan na pala itong nakapiit sa isang kulungan sa Quezon City matapos nga itong dakpin sa airport noong papunta itong ibang bansa.
Mga kasong estafa at illegal recruitment na walang piyansa ang sinasabi sa balita na nagawa ni Jay.
Diumano'y dumating na ang 'karma' ng dating kilalang TV host na sobrang maingay noon sa mga sari-saring isyu, kasama na ang showbiz.





Comments