Madlang pipol, kahit galit na galit sa relasyon… VIN, HAPPY SA PAGLANTAD NINA ALJUR AT AJ
ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | February 17, 2023

Masaya si Vin Abrenica para sa kuya niyang si Aljur Abrenica matapos ang Instagram reveal ni AJ Raval tungkol sa relasyon nito sa kanyang kapatid.
Matatandaan na noong Valentine’s Day ay nag-post si AJ ng larawan nila ni Aljur at nag-declare ng kanyang pagmamahal sa aktor.
“I'll always give you all the love I have in my heart and love you unconditionally,” ang caption ni AJ.
Sa panayam kay Vin ni King of Talk Boy Abunda sa kanyang Fast Talk with Boy Abunda show sa GMA-7, naitanong ng TV host sa aktor ang tungkol dito.
“Nakita ko ‘yung post (ni AJ) and honestly, magse-share ako, honestly, nakita ko na ‘yun. I’m happy. Kasi, oh my God, Tito Boy, sino ba ang nakakaalam ng lahat ng nangyayari sa kanya ngayon with all the stress, with all na ibinabato sa kanya ng buong Pilipinas, ng buong mundo?” ani Vin.
Dagdag niya, “He’s my brother, he’s broken now.”
Nakikita raw niya ang pinagdaraanan ng kapatid na halos lahat daw ng tao sa buong mundo ay nagagalit dito at may mga threats pa raw.
“Nakikita ko ‘yung comments, eh. Everybody is getting mad at him, ‘Sana mangyari sa ‘yo ‘to,’ ‘Sana, mangyari sa ‘yo ang ganyan.’ Well, it’s not nice!” pahayag ni Vin.
“Bilang kapatid ko, nakikita kong nangyayari sa kanya ang lahat ng 'yan, he’s trying to be strong, and I see that, I see through him. We’re super close, 'di ba? And it breaks my heart,” patuloy ng aktor.
Masakit daw sa kanya ang nangyayari ngayon kay Aljur at alam din niyang nasasaktan din ang kapatid na pati sila ay nadadamay.
“Inaamin ko, nadadamay ako. I just got married, and all the comments na sinasabi, ‘Maghihiwalay din kayo. I’ll give you 3 years.’ It’s so painful. Imadyinin mo for me, masakit ‘yun, also for him, na parang ‘Ba't ginaganu’n n’yo ang kapatid ko? Wala namang kinalaman ‘yan?’ I mean, masakit, Tito Boy,” saad ni Vin.





Comments