Madlang pipol, inip na inip na… BIANCA, AYAW PA RING PAKASALAN NI SEN. SHERWIN
ni Beth Gelena - @Bulgary Files | May 27, 2022

Kinlaro ng former beauty queen na si Bianca Manalo na wala pa siyang anak at maging ang boyfriend niyang si Senador Sherwin Gatchalian.
May nang-iintriga kasi sa girlfriend ng senador na may anak na umano si Bianca.
Ani Bianca, "Okay, guys, just to set things straight and clear. Everytime Sherwin and I will post a photo with a child, either he or she is with his or my nephew or niece. Our genes are so strong, and we can't deny that.
"Wala po akong anak sa pagka-dalaga at wala rin pong anak si Sherwin sa pagka-binata."
Komento ng netizen, "Ang tagal namang pakasalan ni Gatchalian si Ms. Bianca. Bagay silang dalawa."
Ang sama naman ng komento ng isang ito, "Parang Lego character si Sherwin."
Hangad naman ng nakakarami, "Sana talaga, pakasalan na siya, 'no? Lahat ng mga exes niya, talagang todo-bigay siya. Sana naman, kasalan na punta nito."
"Sana 'pag nag-baby sila, mas more magmana kay Bianca para future beauty queen din."
"Wait lang natin, mga momsh, makakuha pa ng mas mataas na puwesto si Sherwin, first lady feels na din itong si atih."
"Mautak 'to si girl, puro politicians ang pinapatulan from mayor to senator ang jowa, bongga!"





Comments