Madir, sinuway pa raw… POKWANG, TODO-IYAK NANG IPAGPALIT NI LEE SA IBA
- BULGAR
- Feb 4, 2023
- 1 min read
ni Nitz Miralles @Bida | February 4, 2023

Simula pa lang ng guesting ni Pokwang sa Fast Talk with Boy Abunda ay umiyak na ito nang mapag-usapan ang paghihiwalay nila ng tatay ng anak na si Lee O’Brian.
Ipinaliwanag niya kung bakit siya nagsinungaling sa interview ni Nelson Canlas na hindi pera ang dahilan ng paghihiwalay nila.
Umasa pa raw kasi siya na maaayos ang problema nila ni Lee na nagsimula nang humingi siya ng update sa negosyo nilang PokLee bottled products.
“Karapatan ko bilang partner sa negosyo na magpa-update. Hindi niya nagustuhan ‘yun at ang dating sa kanya, hinahanapan ko siya. Hindi niya nagustuhan ang tanong ko.
Nagkakasalubong kami sa hagdan, hindi kami nag-uusap,” kuwento ni Pokwang.
Inamin din nito na umasa siyang magkakabalikan pa sila dahil minahal niya si Lee, pero mataas daw ang pride nito.
Saka, sa huli nilang pagkikita, naramdaman niyang wala nang pag-asa pang magkabalikan pa sila, lalo at si Malia pa ang nagkuwento sa kanya na may iba nang babae ang dad niya na same raw ang skin color sa kanya.
Umiyak na si Pokwang nang tanungin ni Boy na kung may isusumbong siya sa nanay niya, ano ang kanyang sasabihin?
“Matigas ang ulo ko, ayaw ng nanay ko sa kanya. Ma, sorry, sorry ‘di ako nakinig sa ‘yo. Sorry po. Kailangan ko po ng yakap n’yo. Nami-miss ko ang yakap n’yo,” ani Pokwang.
Bago tapusin ni Boy ang show, makikitang nakatayo sila ni Pokwang, yakap niya ito na walang tigil ang pag-iyak.
Matagal ding iniyakan ni Pokwang si Lee at kasama siguro sa iyak na ‘yun ang nangyari sa kanila.





Comments