Madir, out sa bday party niya… BUNSO NI SARAH, OBYUS NA MALAYO ANG LOOB KAY RICHARD
- BULGAR
- Mar 25, 2024
- 2 min read
ni Julie Bonifacio @Winner | March 25, 2024

Punong-abala si Richard Gutierrez sa birthday party ng bunsong anak nila ni Sarah Lahbati na si Kai. Aligaga sa pag-eestima ng bisita si Richard sa party habang waley naman si Sarah.
Obviously, knows na natin kung may “disappearing act” man si Sarah sa celebration ni Kai who turned six last March 21.
Hindi naman humihiwalay sa tabi ni Kai ang kanyang elder brother na si Zion, 10 yrs. old.
At siyempre pa, expected nang ang pamilya ni Richard lang ang nandu'n gaya nina Annabelle Rama, Eddie Gutierrez, Ruffa Gutierrez, Kai’s cousins at iba pa.
Tanong tuloy ng mga netizens, “Kay Sarah kaya, ano ang pakana niya kay Kai?”
Kapansin-pansin sa video na kuha during Kai’s birthday party ang kakulangan ng bata sa excitement at lambing sa ama niyang si Richard.
Pilit na hinihila ni Richard sina Kai at Zion para mas lumapit sa kanya at yakapin ang dalawa, but most of the time ay parang “tuod” na nakatayo lang ang mga anak nila ni Sarah.
Naka-straight lang sa gilid ng kanilang katawan ang mga braso at kamay nina Zion at Kai habang inuunat ni Richard ang kanyang mga kamay para abutin ang dalawa.
At mas madalas din na nakayuko lang si Kai habang yakap ni Richard.
Hindi kaya nami-miss lang ni Kai sa kanyang birthday party ang Mommy Sarah niya?
Mas malapit lang talaga siguro ang mga bata kay Sarah since siya ang nag-aalaga sa mga anak niya while Richard is working most of the time to support their family.
It’s a usual scenario kapag may nagaganap na hiwalayan sa pamilya — may lungkot, may pait at may hirap.
Anyway, pinasalamatan ni Ruffa ang organizer sa birthday ni Kai.
“Thank you for organizing Kai’s 6th birthday! Everyone had a blast!” comment ni Ruffa.
Sumunod ay dinagsa na ng pagbati si Kai sa socmed.





Comments