top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

Madir ni Ria, magaling kumilatis sa peke… ZANJOE, 'DI MAKAKALUSOT KAY SYLVIA

Writer: BULGAR
BULGAR
Aug 9, 2023
1 min read

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | August 9, 2023




Hanggang ngayon ay marami pa rin ang nagdududa sa tunay na intensiyon ni Zanjoe Marudo kay Ria Atayde na anak ni Sylvia Sanchez. Nagtataka kasi ang ilang netizens kung bakit hindi nagtagal ang relasyon nito sa dalawang sikat na ex-girlfriends na sina Mariel Rodriguez at Bea Alonzo?!


Si Zanjoe ba ang may diperensiya at pagkukulang kaya sinukuan siya ng mga naging karelasyon?


At kung saka-sakali, papasa ba ang aktor sa pamantayan ng parents ni Ria na sina Art Atayde at Sylvia?!


Matalas ang pakiramdam at pang-amoy ni Sylvia sa mga nanliligaw sa kanyang mga anak. Sanay na sanay siyang kumilatis ng mga taong “fake” at nagbabait-baitan lang dahil ang dami na niyang taong nakasalamuha sa tagal niya sa showbiz.


Alam na ni Sylvia ang lahat ng klase ng tao. Nararamdaman niya kung plastic at pakitang-tao lang ang ugali nito. Tiyak na aware si Zanjoe kaya maingat siya sa harap ng parents ni Ria.


Hopefully, si Ria na nga ang “the one” para kay Zanjoe.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page