top of page
Search
  • BULGAR

Madir ng aktor, napiga ni Korina… KARLA, NAGSALITA NA SA KASAL NINA DANIEL AT KATHRYN

ni Rohn Romulo - @Run Wild | December 11, 2022




Sa latest episode ng Korina Interviews ng NET25 na mapapanood ngayong Linggo, may inamin si Karla Estrada kay Korina Sanchez-Roxas.


Masayang-masaya ngayon si Queen Mother dahil in love siya.


“Lahat ng babae, nangangarap magsuot ng traje de boda…Puwede pa rin naman akong humabol doon,” pahayag ng actress-turned politician.


Bukod dito, tunghayan ang kuwento ng pag-angat ni Karla mula sa kahirapan sa Tacloban after niyang mag-stow away sa barko pa-Maynila upang habulin ang kanyang pangarap.


Wala mang suwerte sa pag-ibig, biniyayaan naman siya bilang single parent ng mga mabubuti at matatagumpay na mga anak, at isa na sa mga ito ay ang superstar actor/singer na si Daniel Padilla.

Sasagutin din niya ang mga katanungan kung ikakasal na ba si Daniel kay Kathryn Bernardo?

Tatakbo ba si Karla sa Kongreso o Senado sa susunod na eleksiyon?

At ano ang masasabi niya na mas importante — magandang mukha o magandang katawan?

Usapang magkaibigan sa umaatikabong chikahan na ito sa pagitan nina Karla at Korina sa Korina Interviews ngayong Disyembre 11, Linggo (5:00 PM) sa NET25.


0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page