top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Madir, naka-wheelchair na raw… LOTLOT, KUMANTA NA SA KONDISYON NI NORA

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Oct 18, 2022
  • 3 min read

ni Julie Bonifacio - @Winner | October 18, 2022


Tumangging magsalita si Lotlot de Leon tungkol sa paglabas-labas ng anak niyang si Janine Gutierrez at ng aktor na si Paulo Avelino sa ginanap na ‘Ang Pamatay’ finale presscon ng Love in 40 Days na pinagbibidahan nina Loisa Andalio at Ronnie Alonte.


Pabirong nagulat ang naging reaksiyon ni Lotlot nu’ng makorner namin at tanungin sa pakikipag-date ni Janine kay Paulo.


“Uh, lumalabas ba sila? Sabeee?” biro ni Lotlot. "Hindi na rin naman kailangang magpaalam sa akin ng anak ko. May tiwala naman ako sa kanya. So, kung ano ‘yung sa palagay niya na makakabuti para sa kanya at masaya siya, okey na okey ako roon.


“Hindi naman sa ayaw ko siyang pag-usapan kasi my daughter can speak for herself. Ako naman as her mom, I just want her to be happy and ayun, I always pray for my children to be able to be with the right partners, ‘di ba? Na tama ang mapili,” paliwanag ni Lotlot.


Mabait naman daw si Paulo at nakasama na rin niya sa mga serye sa ABS-CBN noon at sa Marry Me, Marry You. At pagdating sa usaping kasal, nasa tamang edad na raw si Janine para magdesisyon.


“Parang alam mo, ‘yung mga anak ko, surprisingly, siguro, dahil sa sorbang aga ko nag-asawa, ang gusto naman nila, sobrang late sila mag-asawa,” sabay tawa ni Lotlot.


Natuto na raw siguro ang mga anak niya sa kanya.


“I guess, they saw also ‘yung journey ko. They learned from my journey. And ako naman, whenever they’re ready. There’s no rush. Uh, ang pag-ibig, pagkakaroon ng pamilya, anytime naman ‘yan, eh. ‘Pag handa na talaga sila,” sambit ni Lotlot.


And finally, nagsalita na si Lotlot sa tunay na lagay ng relasyon nila ng kanyang inang Superstar na si Nora Aunor. Okey na raw sila ni Nora.


“Yeah, I was just with her a few days ago. Magkasama kami. Kaya lang, hindi rin kasi… para ‘di ba, ‘yung magpo-post ka nang magpo-post. Kasi, hindi naman importante ‘yun, eh. Ang importante is what I have with her at the moment,” bulalas ni Lotlot.


Marami ang naghanap kay Lotlot nu’ng tanggapin ng mga kapatid niya (on Nora’s side) ang pagkilala kay Ate Guy bilang National Artist sa Malacañang. Duda nila, all’s still not well between her and Ate Guy.


“I was with Mom,” ngiti ni Lotlot. “Wala ako doon pero kasama ko lang si Mama. Masama ang pakiramdam niya.”


When asked kung paano at kailan sila nagkaayos ni Ate Guy, “Bastaaa! Importante ay okey na. Hahaha! Ganu'n naman, eh, minsan, hindi naman pinaplano ang lahat ng bagay.


Minsan, nangyayari na lang. Basta okey na.”


Akala ng marami ay ‘di na magiging okey ang mag-ina.


“Awa ng Diyos, wala namang ganoon. Saka you know, whatever happens uh, family…. you all go through, you know, sometimes trials and mga ganoon, but family is family. Family is forever,” biro pa ni Lotlot.


Tuluy-tuloy daw ang communication ni Lotlot kay Ate Guy.


Binigyang-linaw din ni Lotlot ang bali-balita ukol sa health condition ni Nora. May mga nagwo-worry daw na nakikitang naka-wheelchair si Nora sa mga events na pinuntahan ng Superstar.


“My mom’s okay. I saw her a few days ago. Nagkita kami. Nadalaw ko naman siya. Okay naman ang mommy ko,” diin niya.


Wala raw dapat ipag-alala sa kalagayan ni Ate Guy. Katunayan, may ginawa pa raw na movie ang Superstar kamakailan.


“Basta, you know, my mom’s not young na rin naman. So, ako naman, ang gusto ko lang, eh, maging healthy ang mommy ko. Huwag masyadong nagpapagod.

“Uhm, my mom has achieved so much already in the industry. Wala na rin naman siyang kailangang patunayan.


“The fact that she is recognized as a National Artist, ako, I’m just happy na my mom’s okay.


Gusto ko lang maging healthy siya at maging maayos siya lagi,” lahad ni Lotlot.


At kung siya raw ang masusunod, gusto niya na mag-relax-relax na lang ang Superstar.


Anyway, all praises naman si Lotlot sa mga bida ng Love in 40 Days na sina Loisa at Ronnie.


Mababait daw ang on-and-off screen love team.


Tinukso namin si Lotlot kung ang LoiNie na ba ang bagong Lotlot-Monching (Ramon Christopher) ngayon.


“Hahahaha! Sana better, better version,” masayang sabi ni Lotlot.


Payo niya kina Loisa at Ronnie ay mag-concentrate muna sa kanilang career at huwag agad magpakasal.


Abangan ang “pamatay na ending” sa huling dalawang linggo ng Love in 40 Days gabi-gabi sa Kapamilya Channel, A2Z, TV5, iWantTFC at Kapamilya Online Live sa YouTube Channel at Facebook page ng ABS-CBN Entertainment.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page