top of page
TALKIES - KARA- OKAY LANG NA ‘DI MAGALING MAG-ENGLISH SI MARIAN_IG _marianrivera & _karada

Madir, ginagawa ang lahat para sa career ng anak… BIMBY, NAGKAKA-ENDORSEMENTS DAHIL KAY KRIS

Writer: BULGAR
BULGAR
14 hours ago
3 min read

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | November 17, 2026



TEKA NGA - BIMBY, NAGKAKA-ENDORSEMENTS DAHIL KAY KRIS_IG _krisaquino

Photo: IG _krisaquino



Tulad ng pangarap ni Kris Aquino, unti-unti nang gumagawa ng pangalan ang kanyang anak na si Bimby bilang celebrity endorser. Kahit wala pa siyang movie o regular TV show, kilalang-kilala na siya ng lahat dahil sa kanyang mom.


Todo-suporta si Krissy kay Bimby at lagi niya itong isinasama sa mga events na dinadaluhan niya. Dahil din kay Kris kaya may mga offers na product endorsements si Bimby ngayon. 


Well, lahat ay ginagawa niya upang i-push ang career ng anak, kahit package deal pa sila sa mga endorsements ay okey lang kay Kris. 


Super proud siya kay Bimby dahil malakas ang karisma nito sa tao at very humble pa. Marami na rin siyang fans at supporters ngayon.





Husky ang boses… KAKIE, IBANG-IBA KAY SHARON BILANG SINGER



DAHIL anak siya ni Megastar Sharon Cuneta, mataas ang expectation ng lahat kay Kakie Pangilinan. Ikinukumpara agad sa kanya ang mga achievements ni Mega at may pressure ito para kay Kakie. 


Pati ang kanilang mga boses ay pinagkukumpara. Husky ang timbre ng boses ni Kakie, malayo kay Sharon na sweet. Magkaiba rin ang genre ng kanilang mga awitin. May pagka-pop rock ang style ni Kakie.


Pero sey ng mga fans, dapat lang na may pagkakaiba si Kakie kay Megastar upang magkaroon siya ng sariling style at identity as a singer. Kailangan niyang makawala sa anino ng kanyang ina. 


Super proud naman si Mega sa pagpupursige ni Kakie sa kanyang singing career at handa niyang suportahan ang anak kapag kinakailangan.





MAY magandang balita para sa mga tagahanga ng dating Regal star na si William Martinez. Plano niyang balikan ang pag-arte at hindi na ituloy ang unang balak na pagreretiro sa showbiz. 


Sa pagpasok ng taong 2027 ay may malaking pagbabagong magaganap sa kanyang buhay.


Well, malaking tulong kay William ang moral support na ibinibigay sa kanya ni Gabby Concepcion. Ito ang laging nagpapayo sa kanya na bumalik na sa showbiz at muling umarte. 


Naging mahigpit silang magkaribal noon sa popularidad during the early ‘80s. Pareho silang Regal babies at may kani-kanyang hukbo ng mga tagahanga.


Mas sumikat nang husto si Gabby dahil tuluy-tuloy ang kanyang mga projects. Samantala, dumanas ng depression si William kaya nagpahinga sa kanyang showbiz career. Lately ay nagkaroon siya ng exposure sa telebisyon nang isama siya ni Coco Martin sa Batang Quiapo.


Kuwento ni William, kapag may mga out-of-town shows si Gabby ay isinasama siya nito kaya inaalagaan na niya ang kanyang kalusugan upang maging physically fit sa pagbabalik-showbiz. 


Sa ngayon ay puwede naman siyang mag-guest sa mga sitcom o game show. 

Well, marami ang gustong tumulong sa career ni William. Naniniwala silang given the chance ay makakabalik pang muli si ‘Kulit’. He deserves a second chance.





DAHIL sa magandang feedback ng viewers at mataas na ratings ng action serye na Taskforce Firewall, napansin ang magandang chemistry nina Kylie Padilla at Miguel Tanfelix bilang mga lead cast. Walang love angle sa kanilang tandem pero nagustuhan sila ng mga viewers.


Kaya naman, nagkaideya ang Mavx Productions na kunin sina Kylie at Miguel upang magbida sa pelikulang Okey Na ‘To na directorial debut ni Rianne Castro.

Curious naman ang mga netizens na malaman kung ano ang tema ng pelikulang pagsasamahan nina Kylie at Miguel. Rom-com kaya ito o action-comedy?


Tiyak na ikatutuwa ng mga fans ng aktres ang pagiging abala niya at pagganda ng kanyang career. Mas masigasig siya ngayon dahil may dalawa siyang anak na kailangang itaguyod. Hindi niya kailangang sumandal at dumepende sa kanyang ama na si Sen. Robin Padilla.


Samantala, may mga nagtatanong kung may inspirasyon ba ngayon si Kylie. Baka mas gusto niyang maging pribado ang kanyang love life kaya hindi siya nagpo-post sa social media?


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page