Leading man nina Bela, Janine at Nadine, nagpakatotoo lang… JC: ANDREA, NEXT SUPERSTAR

ni Julie Bonifacio @Winner | November 17, 2026

Photo: IG _j.c.santos
Naniniwala si JC Santos na si Andrea ‘Blythe’ Brillantes ang susunod na superstar sa showbizlandia. Sinabi ito ng aktor sa ginanap na mediacon ng latest movie project niya with Blythe, ang Laya.
Nakita raw kasi ni JC ang tapang at work ethics ng aktres kaya napabilib siya sa bago niyang kapareha.
Hindi naman siguro sasabihin iyon ng aktor kung hindi niya nakatrabaho ang iba pang mahuhusay at sikat na leading ladies sa bansa gaya nina Bela Padilla, Janine Gutierrez at Nadine Lustre.
“Ang tapang,” sabi ni JC kay Andrea.
Paliwanag niya, “Nakakabilib po ang tapang ni Andrea. I mean, bihira akong makasama sa mga ganitong celebrities, mga sikat. Ito (Andrea) parang gagawin n’ya lahat at wala s’yang takot. Wala s’yang pangamba. S’ya, parang, ‘I’ll give it all for the sake of the shot.’ I respect that at kung anuman ‘yung proseso n’ya sa truth, sa pagiging convincing, sobrang hands-down ako sa kanya.”
First time nagkasama bilang lead stars sa isang pelikula sina Andrea at JC. Pero nakita agad niya ang possibility ng pagiging next superstar ni Andrea sa industriya.
“Oh, of course. Nakikita ko na s’ya ngayon, eh. Even her work ethics. Mahal s’ya ng cameraman. Mahal s’ya ng mga tao sa set at expressive s’ya. At alam ko na gagaling pa s’ya sa mga susunod na taon, sa mga susunod n’yang projects,” lahad ni JC.
Wish ni JC na magkaroon pa ng mga roles si Andrea gaya ng karakter niya sa Laya bilang si Sab na laging natsa-challenge ang dating child actress.
“I think this is the start of something complex for her. She’s gonna grow into something like that (superstar) for me. Uh, sabi ko nga, I don’t know anything about the business but this is a superstar,” sabi pa ni JC.
Ang Laya ay mula sa direksiyon ni Sigrid Andrea Bernardo at produced ng Rein Entertainment. Ipapalabas ito sa Nobyembre 25.
Pagkatapos nito, may tatlong pelikula pa si JC na ipapalabas up to the end ng 2026.
At next month, magsisimula na naman siya sa isang bagong movie project na ipapalabas sa Netflix. Naka-lock-in taping daw siya sa Baguio sa December. Kaya naman, isasama raw niya ang kanyang misis at baby.
Taob ang bakla kung magmahal…
SACHZNA, 2 PAJERO ANG REGALO SA DYOWA, IBINENTA LANG
TALBOG ng aktres-content creator na si Sachzna Laparan ang mga bakla at matrona kung magmahal. Napakabongga pala niyang magregalo sa dyowa para lang mapasaya ito.
Well, may pa-“I give not one but two SUV cars” si Sachzna. And take note, hindi basta-basta ang brand/model ng dalawang kotse na ibinigay niya sa kanyang dyowa dahil Pajero lang naman ito na parehong high-end.
“Nagbigay ako ng dalawang sasakyan sa isang tao. Ibinenta n’ya kasi ‘yung una kong ibinigay. Kailangan n’ya raw. After nu’n, nagbigay ulit ako,” pagbubulgar ni Sachzna.
May buyer na raw kasi ang ex-dyowa niya sa unang Pajero.
“Nand’yan na ‘yung buyer, so okay. Sa kanya kasi nakapangalan ‘yung sasakyan,” tsika pa niya.
Nagbigay ulit si Sachzna ng pangalawang Pajero dahil wala raw masakyan ang ex-dyowa niya pero ibinenta rin ulit. Wala raw hiniling na kapalit si Sachzna nang magregalo siya ng dalawang mamahaling sasakyan.
Ang kalurks, hindi dahil nawala ang dalawang Pajero na ibinigay niya kaya nakipaghiwalay si Sachzna, kundi dahil hindi siya binayaran nito sa perang inutang sa kanya.
Sa mga ulat, umabot umano sa P50 milyon ang utang ng ex niya. Nagsimula raw ito sa P40M at nadagdagan pa ng P10M.
Ang pag-ibig talaga, nakakatanga, ‘di ba?





Comments