top of page
TALKIES - KARA- OKAY LANG NA ‘DI MAGALING MAG-ENGLISH SI MARIAN_IG _marianrivera & _karada

Kahit natalo sa pagka-senador… WILLIE, MAMUMUDMOD NG PERA BAGO MAG-PASKO

Writer: BULGAR
BULGAR
15 hours ago
4 min read

ni Janiz Navida @Showbiz Special | November 17, 2026



SPECIAL - WILLIE, MAMUMUDMOD NG PERA BAGO MAG-PASKO_FB Willie Revillame

Photo: FB Willie Revillame



Nakakatuwa ang friendship nina Randy Santiago, John Estrada at Willie Revillame, ang mga dating hosts ng noontime show noon sa ABS-CBN na Magandang Tanghali, Bayan. Kahit may kani-kanyang landas nang tinahak ang tatlo, solid pa rin ang pagkakaibigan nila.


Dumating sina Kuya Wil at John sa Behind The Shades 40th Anniversary Party ni Randy sa The Elements at Centris last Friday night para suportahan ang kaibigan.


Walang kupas ang banter ng tatlo na unang minahal ng mga fans sa MTB. Tawang-tawa ang audience ni Randy nang humirit sina John at Kuya Wil na pinagsuot pa raw sila ng coat ng kanilang kaibigan, eh, super-init naman daw pala sa venue. Hahaha!


Punumpuno naman kasi ang The Elements nu’ng gabing ‘yun, which is a good problem, dahil ibig sabihin lang, sold-out ang 40th Anniv Party ni Randy, na bukod kina John at Kuya Wil ay special guests din sina LA Santos, Lloyd Umali, Mitoy Yonting with DJ John Robinson, Gino Padilla, Juan Miguel Salvador, Luke Mejares at Dingdong Avanzado.


Anyway, hirit pa ng dalawang kaibigan ni Randy, akala raw nila ay steak ang ihahain sa kanila that night, pero ru’n lang daw sila nakakita na naka-coat pa sila pero siomai ang food. Hahaha!


Laugh trip talaga ang tatlong ‘to! Pero in fairness, walang pikunan, happy lang!

Good news naman at ngayon pa lang ay marami nang excited at nag-aabang sa ibinalita ni Kuya Wil na ngayong December, bago mag-Pasko ay may pinaplano sila nina Randy at John na mamimigay sila ng pamaskong handog sa mga kababayan natin.


Hindi sa TV mapapanood ang naturang pamaskong handog nila kundi sa digital or online, at tatawagan lang daw nila ang mga mapipili, may P5 thousand na!

Bongga, ‘di ba?


Pabiro pang sabi ni Kuya Wil, ‘wag daw kalimutang natalo siya nang tumakbong senador, pero dahil gusto niyang makapagpasaya uli ng mga kababayan natin ngayong Kapaskuhan, kaya ngayon ay inaayos na nila ang mga proseso para matuloy ang binabalak niyang pamaskong handog.


Well, sabi nga ni John habang kausap namin sila ni Kuya Wil sa dressing room after ng Ikaw Na Nga surprised song number ng TV host-singer sa party ni Randy, si Willie Revillame raw ang tipo ng taong hindi nagtatanim ng sama ng loob, kaya sa kabila ng lahat ng nangyari sa kanya, heto, mamimigay pa rin siya ng tulong sa mga kababayan natin.


No wonder, kaya naman good karma talaga ang dumarating kay Kuya Wil. 





Lagi raw nalalait noon dahil ‘di maganda… BEVERLY, PROUD NA RETOKADA BEAUTY NA



“HINDI mo ba nakikita?” ang sagot sa amin ng veteran actress-singer-comedienne na si Ms. Beverly Salviejo sabay hawak sa kanyang ilong at nag-side view pa nang tanungin namin kung na-consider ba niyang magpa-beauty enhancement.


Sa pocket presscon kasi ng Status: Rejected movie na pinagbibidahan ni Ms. Ruby Ruiz, na kasama sila nina Alessandra de Rossi at Yani Villarosa, nabanggit ni Beverly na sa ating mundo, aminin na raw nating iba ang treatment sa mga ‘di kagandahang tulad niya. At ‘yun daw ang dahilan kaya nagsikap siyang mag-aral nang mabuti para maging matalino at makuha ang respeto ng ibang tao.


“Mas madali ang buhay ng mga magaganda at guwapo kahit ‘di sila masyadong matalino. Kaya sabi ko, hindi pupuwede na hindi ako matalino. Hindi po ako nagyayabang pero ‘yun po ang naging pamantayan ko, hindi puwedeng hindi ako maging matalino at magaling kasi hindi ako maganda,” pahayag ng magaling na aktres at singer na ilang beses na raw nakatikim ng mga rejections sa showbiz at kahit nu’ng elementary days pa niya dahil sa kanyang ‘di kagandahang hitsura.


At pag-amin ni Beverly, nu’ng una ay takot daw siyang magparetoke ng mukha dahil singer siya. Baka nga naman maapektuhan ang kanyang boses kapag nagpa-salamat dok, siya ng kanyang ilong.


Pero may nakilala raw siyang magaling na aesthetic doctor kaya nagkaroon siya ng kumpiyansa na ipa-enhance ang kanyang ilong last year.


At ngayon nga, feel na feel na ni Ms. Beverly ang dagdag-ganda points sa kanya ng ipinagawa niyang ilong, na in fairness, ikinabata naman talaga ng hitsura niya. 


Kaya naman wala na siyang paki kahit ano pang sabihin ng mga bashers niya online dahil una, hindi naman nga sa kanila hiningi ang perang ipinampa-enhance niya, ‘no? 


At secondly, hindi naman nila ilong ang pinakialaman ni Ms. Beverly kaya manahimik na lang sila.


Anyway, muling ipapalabas sa mga sinehan ang Cinemalaya movie na Status: Rejected starting on Nov. 18. Mula ito sa direksiyon ni Vahn Leinard Pascual at produced ng Clever Minds, Inc. at Black Cap Pictures.


Sabi ni Ms. Beverly, sa dami ng pelikulang ginawa niya, ito lang talaga ‘yung pinanood niya nang buo dahil nagandahan talaga siya hindi lang sa role niya kundi sa kabuuan ng movie.  


Kaya naku, watch natin ito at for sure, may lesson na tatatak sa maraming senior citizens natin.





Sorry, ‘no, pero ‘di na talaga magbabago… MAGALING NA AKTRES, AYAW PAAWAT SA BISYO KAHIT PINIPIGILAN NA NG RICH DYOWA




  • BLIND ITEM


BLIND ITEM:


MARAMING malalapit sa magaling na aktres ang nag-aalala na dahil hindi na maganda ang health condition nito, pero ayaw pa ring tumigil sa masamang bisyo.


Ilang taon na ang nakalipas ay na-rehab na ang aktres. Pansamantala itong umayos at nakabalik sa pag-arte, nagkaroon ng mga serye at nagbidang muli sa mga pelikula.


Pero nagkaroon na naman ng matinding pinagdaanan ang aktres at dahil mahina talaga ang kanyang loob kahit mukhang malakas ang kanyang personalidad, hindi na naman niya napaglabanan at muling naging takbuhan ang bisyong sumira sa kanyang career at buhay.


May rich dyowa ngayon ang aktres na pinipigilan na siya sa kanyang bisyo pero ayaw pa rin daw nitong makinig at feeling niya ay ikamamatay niya kapag tumigil na.


Nakakaawa ang kondisyon ng aktres dahil nakikita na sa pisikal niyang anyo ang epekto ng kanyang masamang bisyo. Sana ay hindi pa huli ang lahat, mailigtas pa rin siya ng mga taong nagmamahal sa kanya.

 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page