top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Madir at utol na nurse, may COVID… K, MALAPIT NANG BUMIGAY SA SUNUD-SUNOD NA PROBLEMA

Writer: BULGAR
BULGAR
Nov 15, 2020
2 min read

ni Reggee Bonoan - @Sheet Matters | November 15, 2020




Hindi na naman napigilan ng mang-aawit-cum host (Lunch Out Loud) na si K Brosas na pumatol sa basher niya dahil kasalukuyan siyang may pinagdaraanan — may covid-19 ang nanay at kapatid niyang nasa Italy ngayon — aba'y sukat ba namang sabayan siya ng pang-aasar.


Kilalang pala-sagot si K sa mga netizens para ikorek ang mga ito lalo na kapag silang mga celebrities ang tinitira.


Nitong nakaraang araw, hindi napigilan ng komedyana na sagutin ang basher at natawag pa niyang 'g*go' dahil tinawag na 'inutil' ang mga artista sa panahon ng sakuna.

Aniya, “Itong gag*ng 'to, puro inutil ang posts sa mga artista, May, 2020 nag-start sa Twitter. Kaya alam na, nasa mood akong pumatol ngayon dahil may covid ang kapatid ko at mama ko na nasa emergency room now! Mas madami pang nagawa mga artista kesa sa mga kakulto mo, gag*!”


Muling pinaalalahanan ni K ang lahat na matindi ang Covid-19 cases sa Italya dahil tumataas na naman ito at balita rin namin ay nakatakdang mag-lockdown ulit sa nasabing bansa.


“May covid pa, baka nakakalimutan n'yo. Ang Italy, naging ok, pero now, madami uli. Sister kong nurse, meron na at halos buong hospital nila. Dahil sa kanya nakatira mama ko, nahawa rin at nasa emergency room now at wala akong balita kaya ‘wag ngayon, mga kampon ng dimunyu (read: demonyo)!!”


Galit na ang nararamdaman ni K, pero nagawa pa rin niyang idaan sa biro ang mga sagot niya.


At kaagad namang nagbigay ng suporta ang mga followers niya.


“Praying for your mom and sis Ms. K. Sister kong nurse, nag-swab test din ngayon dahil na-expose sa positive na patient. Kailangan talagang magdasal para sa kaligtasan nating lahat, lalung-lalo na sa mga frontliners.


"Am sorry to hear that Ms. K. But am pretty sure they will be healed. Me and the rest of my family got covid becoz of my son who happened to be a frontliner. We recovered. Pati ang tatay kong 74 y/o. Kapit lang and pray tayo.”


Samantala, nagbigay naman ng suporta si K sa mga naging biktima ng Bagyong Ulysses dahil naranasan din niya 'yun.


“I feel you. Our house in Cainta was also flooded during Ondoy and is flooded again now. They can be so insensitive. So disheartening. I hope ok kayo lahat now.


“Pinagdaanan ko 'yung feeling na helpless ka nu’ng Ondoy, 3 araw kami sa bubong, nalimas lahat ng gamit at napundar ko, as in LAHAT kasi bungalow haws ko nu'n, hindi makalabas kasi lakas ng current ng baha kaya naaalala ko lahat now 'yung trauma. Pls. pray and help kung kaya.


“Ang daming nangyayaring 'di maganda sa bansa at sa personal kong pinagdaraanan now, parang bibigay na 'ko sa totoo lang, pero dasal lang talaga magagawa ko. Sa mga nasalanta ng bagyo at may iba pang problema, kasama kayo sa dasal ko.”


At naloka si K sa post ni DENR Undersecretary Benny Antiporda ng larawan nilang dalawa ni MMDA Spokesperson at Asec. Celine Pialago na, “Dolomite lang ang matatag!”


Inisa-isa ni Usec. Antiporda ang mga bagyong dumaan tulad nina Pepito, Quinta, Rolly at Ulysses pero nananatili raw matatag at hindi na-washout ang dolomite.


Ang tanging nasabi na lang ni K, “Hindi ko sila kinaya! Haaaay Lord!!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page