top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Madatung naman daw kaya oks lang… DEREK, SUPER-INLAB KAY ELLEN, AYAW NANG MAG-SHOWBIZ

Writer: BULGAR
BULGAR
Jan 19, 2022
1 min read

ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga | January 19, 2022




At this point of his life, mukhang hindi priority ni Derek Ramsay ang kanyang showbiz career.


Masaya siya ngayon sa piling ni Ellen Adarna, ang babaeng kanyang pinakasalan.


Nasa honeymoon stage sila ngayon kaya hindi nag-aalala ng tungkol sa kanilang career.


Besides, hindi pa naman daw normal ang sitwasyon ngayon sa movie industry.


Maraming movie producers ang ayaw sumugal sa pagpo-produce ng pelikula, at maging sa telebisyon ay mahigpit na pinaiiral ang health protocols sa locked-in taping.


Sa status ng buhay ngayon nina Derek at Ellen, hindi nila kailangan na kumayod nang husto at umasa sa kikitain nila sa pag-aartista. Napakayaman ni Derek Ramsay. Nakapagpundar ng maraming properties at may mga negosyo. Hindi na niya kailangan na magpaalipin sa trabaho.


Pero, marami ang nagtatanong kung hanggang kailan ang pamamahinga o “showbiz break” ni Derek Ramsay? Hindi ba niya nami-miss ang pag-arte? Magaganda naman ang mga pelikulang kanyang nagawa kaya marami siyang offer na projects.


At paano na ang kanyang pinirmahang kontrata sa GMA Network? Ilang taon na rin na hindi siya nakagawa ng serye. Na-shelve na ang project sana nila ni Andrea Torres matapos silang mag-break. Balitang malapit nang mag-expire ang kanyang kontrata sa Kapuso Network.


Well, marami namang fans ang nanghihinayang kay Derek Ramsay. Rich boy kasi siya kaya mas binigyan niya ng importansiya ang kanyang love life. Du’n kasi siya mas maligaya.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page