Mabuti pa sa probinsiya, wala nang facemask at face shield, sana all!
ni Ka Ambo - @Bistado | July 04, 2021
Nag-aalboroto pa rin ang Bulkang Taal.
Lagyan ng facemask ‘yan!
◘◘◘
MISTULANG nagdeklara na si Mayor Isko.
Kinabugan na ang kampo ni Inday!
◘◘◘
LUMILINAW na ang 3-corner fight.
Inday, Pacman, Yorme.
Kanino kayo?
◘◘◘
INIAALOK ni Angel Locsin ang kanyang bahay bilang evacuation center sa mga biktima ng
Bulkang Taal.
Eh, ‘yun bahay ni Mayor, puwede rin ba?
◘◘◘
KULIMLIM ang paligid.
Naibsan ang alinsangan!
◘◘◘
TAMEME na ulit si Sen. Manny Pacquiao.
Nagulantang siya sa paramdam ni Isko!
◘◘◘
WALA pang sey si VP Leni sa deklarasyon ng kampo ni Yorme.
He-he-he!
◘◘◘
SASAGIPIN daw si Pacquiao ng kampo ni ex-Sec. Pantaleon Alvarez sakaling tumalsik sa PDP-Laban.
Magkano?
◘◘◘
MALAKI ang tsansa na makuha ng Pilipinas ang kauna-unahang Olympic gold sa Tokyo ngayong Agosto.
Kakaunti kasi ang kalahok!
◘◘◘
MARAMI nang lugar sa Pilipinas na hindi na nagsusuot ng facemask ang mamamayan.
Maglibot kayo!
◘◘◘
HINDI na hinihintay ang deklarasyon ng gobyerno sa pagtatanggal ng facemask sa public places.
Kumbaga, kani-kanya na lang pakiramdam sa mga lalawigan!
◘◘◘
MALINAW na hindi pa normal ang sitwasyon sa gobyerno.
Pero ang buhay ng ordinaryong Pinoy sa malalayong lalawigan ay matagal nang normal!
◘◘◘
KAHIT wala nang virus, mahihirapan pa ring makabalik sa normal ang mga negosyong nabangkarote.
Wala kasing customer, wala ring demand!
◘◘◘
ANG Pasko at eleksiyon ay siyang magbubunsod ng normalidad, hindi ang gobyerno.
Maaaring maranasan ang pag-angat ng ekonomiya sa Disyembre 2021 hanggang Hunyo 2022.
Pustahan tayo?
◘◘◘
NAKAIMBENTO na ng gamot ang Israel kontra COVID.
‘Yan ang dapat ipamigay sa mamamayan nang libre!





Comments