top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Mabuti pa ang casino, open kahit MECQ, 'yung simbahan, close

Writer: BULGAR
BULGAR
Sep 9, 2021
2 min read

ni Pablo Hernandez III - @Prangkahan | September 09, 2021



CLOSE ANG SIMBAHAN HABANG MECQ, PERO OPEN ANG MGA CASINO--Dahil binawi ng Malacañang ang naunang direktibang isailalim na sa GCQ (General Community Quarantine) kaya't mananatili sa semi-lockdown o Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) ang Metro Manila, at sa ilalim ng MECQ ay kabilang sa ipinagbabawal ang pagsisimba.


Ang nakalulungkot lang sa isyung ito, na sa panahon ng MECQ ang utos ng Duterte gov't. dapat sarado ang mga simbahan upang masunod ang social distancing, pero ang mga casino ay pinapayagang magbukas gayung mas nalalabag ng mga sugarol ang social distancing kapag nagsusugal dito, boom!


◘◘◘


SA MECQ STATUS, HINDI LANG CASINO ANG OPEN KASI PATI STL-CON JUETENG, PERYA NG BAYAN-CON JUETENG AT ORIG NA JUETENG AY NAMAMAYAGPAG DIN--Hindi lang ang mga casino ang open sa panahon ng MECQ kasi pinapayagan din mag-operate ang operasyon ng mga gambling lords sa Metro Manila, tulad ng Small-Town Lottery (STL)-con jueteng sa Taguig City, Muntinlupa City, Paranaque City, Las Pinas City, Makati City at Pasay City.


At kung hataw ang operasyon ng STL-con jueteng sa Metro Manila, namamayagpag din ang Perya ng Bayan-con jueteng sa Pangasinan, Cavite, Rizal at orig na jueteng sa Laguna, Batangas, Cagayan at Isabela.


Napaka-bad naman ng pamamalakad ng gobyernong 'to kasi ang pagsisimba sa panahon ng MECQ ipinagbabawal, pero ang pagsusugal hindi, tsk-tsk-tsk!


◘◘◘


BAKA OPEN NA ULIT ANG STL-CON JUETENG SA ILOCOS SUR KAYA DUMAMI ANG NAGKA-COVID SA TERITORYO NI SINGSON?--Ayon kay Ilocos Sur Gov. Ryan Singson nasa higit 2-K na raw ang active cases ng COVID-19 sa kanyang lalawigan.


Baka naman 'yung ipinatigil dati ni Gov. Singson na STL-con jueteng sa kanyang lalawigan ay nagbalik-operasyon na kaya libu-libo na ang active COVID cases sa Ilocos Sur kasi ang sabi niya noon, ang sanhi ng pagdami ng mga tinamaan ng COVID-19 sa probinsiya ay ang mga kubrador na nagbabahay-bahay para magpataya ng sugal na ito, period!


◘◘◘


CONG. CAYETANO, ANTI-ONLINE SABONG, ANTI-ONLINE CASINO, PERO PRO-STL-CON JUETENG?--Ang sabi ni Taguig Rep. Alan Cayetano ay tatakbo siyang pangulo para labanan ang online sabong at online casino kasi puro na lang pasugalan ang inaatupag ng gobyerno, at hindi pagbibigay ng trabaho sa mamamayang nawalan ng trabaho.


Aba, teka, bakit kaya hindi nasama sa binatikos ni Cayetano ang STL-con jueteng gayung talamak na ang pasugalang ito sa kanilang teritoryo sa Taguig City?


Ibig bang sabihin niyan, anti-online sabong at anti-online casino lang siya, pero pro-STL-con jueteng naman? Boom!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page