top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Mabuti na lang may socmed, baka maraming maloko ang survey firms

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jul 15, 2021
  • 2 min read

ni Pablo Hernandez III - @Prangkahan | July 15, 2021



TAWANG-TAWA ANG MAJORITY NETIZENS SA SURVEY NG PULSE ASIA—Pinagtawanan ng majority netizens sa social media ang inilabas na survey ng Pulse Asia na top sa pagka-pangulo at VP ang tandem na Duterte-Duterte (Mayor Sara for president at P-Duterte for VP).


Majority ang natawa kasi mas marami ang nag-“ha-ha” react kaysa nag-“like” at nag-“love” reactions.


Ibig sabihin, mas marami ang natawa ay dahil hindi na naniniwala ang majority Pinoys sa mga inilalabas na survey ng Pulse Asia at iba pang survey firms, boom!


◘◘◘


MABUTI NA LANG MAY SOCIAL MEDIA NA KASI KUNG WALA MARAMING MALOLOKO ANG MGA SURVEY FIRMS—Malaki talaga ang naitulong ng social media sa mga tao.


Sabi nga ng mga netizens, mabuti na lang may social media kasi kung wala ay marami pa rin maloloko ang mga survey firms sa mga inilalabas nilang resulta ng survey tungkol sa kung sino ang malalakas na kandidato sa eleksiyon, period!


◘◘◘


MARCOS LOYALISTS, HINDI MAKAPANIWALA NA NO. 3 LANG SA RANKING SI “BONGBONG” MARCOS—Maging ang mga Marcos loyalists sa social media ay hindi makapaniwala sa inilabas na survey ng Pulse Asia, na pangatlo lang sa ranking si ex-Sen. “Bongbong” Marcos, na tinalo pa siya sa rating nina Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio at Manila Mayor Isko Moreno.


May puntong mainis ang mga loyalista sa survey ng Pulse Asia kasi naman mas marami ang Marcos loyalists kaysa sa DDS, na kung hindi ibinigay ng mga loyalists ang kanilang boto kay P-Duterte noong 2016 election ay baka hindi ito nanalo sa pagka-pangulo, boom!


◘◘◘


PULSE ASIA, MISTULANG TROLL NA!—Sa gagawing pag-iimbestiga ng Senado sa mga “troll farms” na ginagastusan daw ng gobyerno, dapat isama na rin sa mga imbestigahan ang Pulse Asia kasi nagmimistulang troll sa palaging paglalabas ng survey na pabor sa mag-amang Duterte.


At kapuna-puna pa sa latest survey ng Pulse Asia na top rating ang mag-amang Duterte, agad itong ikinalat ng mga DDS sa social media.


Ganyan ang galawang troll sa social media, may magpapakalat ng fake news at ikakalat naman ito ng mga DDS.


Isama na sa imbestigasyon ang Pulse Asia, para malaman ng publiko kung kasama ito sa ginagastusang troll farm ng Malacañang o hindi, period!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page