top of page
Search
  • BULGAR

Mabibisto rin sa tamang panahon... GUWAPONG MATINEE IDOL, KALAT NA ADIK, PARENTS, WALANG KAALAM-ALAM

ni Janiz Navida @Showbiz Special | January 18, 2024


BLIND ITEM:


Nakakalungkot naman ang umiikot na chika ngayon among showbiz reporters na mukhang naliligaw daw ng landas ang isang sumisikat pa naman nang matinee idol na contract star ng isang giant network.


Wholesome ang image ng guwapong batang aktor at kung titingnan siya, walang bakas na may bisyo ito.


Pero isa raw pala sa mga dahilan kaya naghiwalay sila ng GF na young actress ay dahil sa paggamit ng ilegal na droga ng aktor.


Mukhang wala pa raw kaalam-alam ang parents ng guwapong aktor na napapasama siya sa maling barkada kaya naiimpluwensiyahang gumamit ng droga. 


Pero kasabihan nga, walang lihim na maitatago nang habambuhay kaya for sure, mabibisto rin siya ng parents niya one of these days.


0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page