top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Mabait, mapagmahal at generous… WISH NI GRETCHEN: CLAUDINE, BUMALIK SA DATING UGALI

Writer: BULGAR
BULGAR
Jan 14, 2024
1 min read

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | January 14, 2024



Seryoso si Claudine Barretto sa kanyang akusasyon sa ex-husband niyang si Raymart Santiago. This time, usapin daw sa pera ang kanyang ipaglalaban.


Malaking halaga ang involved na hinahabol ni Claudine, P160 million savings niya sa bangko na biglang naubos-naglaho raw. Nag-iwan lang daw si Raymart ng P25 thousand sa bankbook na hawak ni Claudine.


Noong nakaraang taon, may mga kaso na rin na isinampa si Claudine laban kay Raymart. Mas matindi ang kanyang akusasyon sa dating mister.


Pero na-dismiss ang kaso at hindi nag-prosper dahil ang mga ate ni Claudine na sina Gretchen at Marjorie ay kumampi at tumayong witness na hindi totoo ang mga ibinibintang ni Claudine kay Raymart.


Sa isang nakaraang interview ni Boy Abunda kay Gretchen Barretto, sinagot ni La Greta kung bakit kinampihan nila ni Marjorie si Raymart Santiago. Wala raw itong kasalanan kaya hindi dapat na makulong.


Bilang nakatatandang kapatid, ang tanging wish ni Gretchen ay muling bumalik sa dati niyang katauhan si Claudine bilang isang mabait, mapagmahal at generous na kapatid.


Gusto niyang makita si Claudine na payapa at tahimik ang buhay, masaya at may career.


Well, ngayong balak na naman ni Claudine na kasuhan si Raymart Santiago, may mga netizens ang nagsasabing mahina ang kanyang depensa. Maraming taong nakakakilala kay Raymart Santiago na handang dumepensa at ipagtanggol siya.

 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page